Q: good pm po..mam/sir pwede po ba magpa change ng birthplace tsaka po pwede rin po ba ipatanggal sa pangalan ung JR. salamat po
A: Hi Sarah, Mabuting Araw! Maaari po na ipatama ng member ang kanyang pangalan sa SSS rekords upang tumugma ito sa kanyang Birth Certificate. Kailangan lang po na fill-upan ang Member’s Data Change Form, ilakip ang kopya ng Birth Certificate (PSA Certified True Copy), at least two valid ID/s at
i-submit sa pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar. Maari na din pong isabay ang updating ng inyong birthplace at address sa inyong records.
Best regards.
LielPayuyao-MCAD
Q: Hello po.. nais ko lng po malaman kung posible p bang mapabago ung name kasi ung father ko is going 60 n po pero iba po kc ung name nia don sa pnagtrabahuhan nia n nhulugan ng ilang taon din.tapos ngpakasal po sia n iba rn ung name nia .. maihahabol p po kya un ? thankyou po
A: Hi Jheck! Maaari po na subukang magpasa ng member ng request for correction of name sa SSS office.
Para sa correction of name, punuan po lamang ang Member’s Data Change Request Form. Ilakip po ang mga documentary requirements na kinakailangan as listed in the second page of the form.
~She Cua/MCAD.
Q: Hi good day po pano po malalaman yung sss number nawala kasi yung papel nung nagparegister ako matagal na po yun ngayon ko lang aayusin sss ko para makapag hulog na
A: Hi Jerwin! Mabuting araw po! Maaari po na magsadya ang miyembro sa SSS branch para sa pagberipika ng SSS number ayon sa mga sumusunod na impormasyon:
- Kumpletong pangalan
- Petsa ng kapanganakan
- Pangalan ng mga benepisyaryo
- Kumpletong talaan ng pinagtrabahuhan
Ang miyembro ay dapat na magdala ng two valid IDs, atleast one with picture and signature. ~She Cua/MCAD
Q: Good day po.. Tatanong ko lng po ano po b ang mga requirements pag nagpa change status ako? Para po pag punta ko dala na lahat.. Thank you…
A: Maari pong mag-update ng member data sa pamamagitan ng pagsusumite ng Member Data Change Request Form kalakip ang mga kaukulang dokumento na matutunghayan sa link na ito:
Best regards,
Chef Saroca/MCAD
Q: Nag-apply po ako online pero temporary palang po yung SS ko.. Pwde ba ako mkapag-contribute nyan?
A: Sakaling ang inyong SSS number ay temporary palamang, kinakailangan po ninyong magsumite ng dokumento upang ang inyong numero ay maging ma-update. Sundan lamang po ang reference link na nasa ibaba.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Ask lan po kawork ko 63yrs old para kona po tatay naawa po kasi ko sknya dapar my pension na siya kuna tutuusin. Ngayon my prob daw sa pangalan nya. Bakit nun naghuhulog OK nmn .tapos ngayon pension na kailangan p nya ayucn. Paano po kaya yun? Kaya tinamad na sya ayucn. Pwede po makuha nalang lahat ng na contribution nya?
A: Hi Nerissa, Mabuting Araw sakaling mayroong discepancy sa kanyang SSS record, mainam na makipag-ugnayan sa aming tanggapan upang sya ay mabigyan ng kaukulang assistance at maisaayos ang kanyang member data.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: pwde pong mgtanong pwede bng palitan yung beneficiaries pag patay n mga magulang at lht ng kpatid ay matanda n walang asawa pwde bang iba ilagay di ka apelido?
A: Hi Malko, Mabuting Araw! Maaari po na idagdag ng member ang sinuman bilang kanyang beneficiary sa kanyang records ngunit mayroon pong sinusunod na order of preference sa mga beneficiaries sa pagbibigay ng benepisyo. Samantala, maaari po ninyong irequest ang pagdaragdag o pagpapalit ng benepisyaryo sa pamamagitan ng pagfifill-up ng Member’s Data Change Form, at isumite ito sa pinakamalapit na SSS branch kalakip ang kopya ng birth certificate (LCR/PSA certified true copy) ng inyong mga benepisyaryo at least two valid ID/s.
Best regards,
LielPayuyao-MCAD
Q: Magandang araw po. Talaga po bang aabutin ng 1 to 2 months ang cancellation ng duplicate na SSS Number?
A: Hi Jerose, Mabuting Araw! Ang processing time para po sa cancellation ng multiple SS number ay 1 to 2 months po. Maaari po ninyo itong imonitor sa inyong filing branch o sa mga attach contact details:
Q: Philippine Social Security System ask ko lng po kung pwd po ba mgparegstr/ member o kumuha ng e1/sss number. kht birth certificate lng ( na hindi galing sa nso) at mga valid i.d..yun nlng po kc kulang ko..slamat po..may problema po kc ung nso ko..slamat po
A: Hi Sir/Madam, Mabuting Araw! Para sa mga requirements na maaari po ninyong ipresent for membership registration, please see attached screenshot.
Q: Pwede po bang magpachange ng membership status online? Nagbayad na po ako ng voluntary pero under employed pa rin po ako sa system?
A: Hi Catherine, Mabuting Araw sa oras na maitala ang inyong contributions bilang voluntary member, ang inyong membership coverage ay automatikong mag-a-update.
Q: Good day SSS. Gusto ko lang po malaman pano po makikita yung static SSS record ko online? D po ako makagawa ng account thru online. Wala pa po akong umid id. E1 Lang meron ako but I’ve worked for 2 companies na po. Need ko po ba pumunta sa office nyo? Thank you.
A: Hi Chacha Baldono Mabuting Araw! Para sa inyong online registration concerns at assistance, maaaring mag email sa Member Electronic Services Department at onlineserviceassistance@sss.gov.ph Banggitin po ang detalye ng concern / request, kumpletong pangalan at 10 digit SS number. Mag attach ng clear copy ng error encountered kasama ang SSS / UMID ID card o, valid Ids as reference
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Good eve. Nag register yung kapatid ko for sss number nya kaninang umaga and till now wala pa rin po yung email confirmation. I tried to re-register the same email pero already used na daw. But then wala pa rin yung email confirmation. Gaano po ba katagal maghihintay?
A: Hi JCarlo Aspa Mabuting Araw! Para sa beripikasyon at assistance, maaaring mag email sa Member Electronic Services Department at onlineserviceassistance@sss.gov.ph Banggitin po ang detalye ng concern / request, kumpletong pangalan at mag attach ng valid Ids as reference.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: God day poh.,ask quh lang poh sna, qung kukuha po aquh ng sss.,pwd poh bang self employed ung sbhin quh.,? Maid po trabaho quh.,tnx..
A: Hi Gîêlîân Sãlãzãr Hêtô Dârrãs Mabuting Araw! Sakaling kayo po ay namamasukan ay kinakailanagn na kayo po ay ireport ng inyong employer. Maaari po na kumuha ng SS no. for employment at ipaalam po ito sa inyong amo.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Good day po….bkit po sobrang tagal po maibigay ang maternity benefits ng isang member…ask kulng ilang buwan nio po b naaprobahan ung maternity. Employed po ako.
A: Hi Refuerzo! Mabuting araw po! Sakaling kiayo po ay employed member noong nagsumite ng inyong claim applicaiton, if qualified, ang inyong benepisyo ay kailangang i-advance in full ng inyong employer. In turn, ang SSS ang sya naman pong magbabayad ng halaga ng inyong benepisyo thru your empoloyer’s bank account. Mainam na makipag-ugnayan sa inyong employer hinggil sa inyong maternity claim.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Pano po kung mali po yung date of birth na nkalagay pwde pa rin b itulou ang payment
A: Hi Sir/Ma’amBhell G. Diola Mabuting Araw Maaari pong mag-update ng member data sa pamamagitan ng pagsusumite ng Member Data Change Request Form sa malapit na SSS office kalakip ang mga kaukulang dokumento.
For further reference:
https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Magttanong lng po.dati n po ako member ng sss..pero 1 time lng po nahulugan..d ko rin po alam kungvanong sss number ko.paano ko po ba malalaman or ano po ggawin ko?thanks po.
A: Mabuting Araw Para po sa kaukulang beripikasyon ng SS number, maaari pong magsadya sa malapit na SSS office. Magdala po lamang ng at least two (2) member’s valid IDs (with photo and signature) for reference.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Hello po member po aq ng sss hindi q po memorize number ko kc nawala po.
A: Mabuting Araw Vida . Para po sa beripikasyon ng inyong 10-digit SS number at assistance, maaaring makipag ugnayan sa alinmang tanggapan ng SSS. Magdala ng valid IDs. ~ Best regards, Issa Carlos MCAD
Q: Hello po sss sbrang tagal n po talaga lage aq ngchchat bkt po hanggang ngaun wala pa pong comfirmation ung pinsa ng anak q barangay bussness permit para mkavoluntary sya sa sss name nya po CHARWIN F. BAUTISTA.ngpnta n po kme sa taytay branch wala po dn clang impormasyon sana po sss mbgyan nyo ng solusyon.salmat po..
A: Hi Sir/Ma’am Charito Fuentesbautista Mabuting Araw Sakaling ang inyong tinutukoy ay kaugnay sa pagrerehistro sa SSS bilang self-employed. Kung ang pinsan ng inyong anak ay nagsumite ng Personal Data Record at tinalagahan ang coverage as self-employed at nakapagbigay ng kaukulang dokumento bilang basehan, maaari po na siya ay makapagbayad as self-employed ayon sa inaprubahang inilagay na halaga ng kita na katumbas ng MSC. Maaari po na payuhan (Charwin Bautista) na sumangguni sa SSS office kung saan nagsumite para sa beripikasyon. Dalhin ang kopya ng Personal Data Record at valid IDs (with photo and signature) for reference.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Madam sir pano po ito SSS ng 2 number poh ano pba dapat ko gawen
A: Hi Marcial Carsocho abuting Araw! Sa pagkakataon na mayroong dalawang SS no. mabuti na makipagugnayan sa malapit na SSS office sa inyong lugar para sa cancellation.assignment of correct SS. No.Magdala ng valid Ids as reference.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hello po. Greetings! I want to know my forgotten/lost SSS Number. Could you help me? Salamat po.
A: Hi Ma’am Lhet Macalinao Mabuting Araw Para po sa kaukulang beripikasyon ng SS number, maaari pong magsadya sa malapit na SSS office. Magdala po lamang ng at least two (2) member’s valid IDs (with photo and signature) for reference.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Pnu q po b ichecheck kng may sss membership ang father q..patay n po kse xa at wla nman po xa e1 form.may nkpgsabi po kse n mayroon xang sss
A: Hi Ma’am Maristela Gregorio Magabo Mabuting Araw Pinapayuhan po ang mga benepisyaryo na magtungo sa malapit na SSS office para sa beripikasyon ng SS number/records ng namayapang miyembro. Magdala po ng PSA/certified true copy ng death certificate ng miyembro at mga valid IDs, at valid IDs (with photo and signature) din ng mga benepisyaryo for reference.
Samantala, ipaaalam po ng aming servicing officer ang mga benepisyo na maaaring i-file ng mga naiwang benepisyaryo matapos ang kaukulang evaluation sa records ng miyembro
(subject to evaluation based on existing guidelines).
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Pano po mapapalitan ung birth place ng sss ko
A: Hi Sir Rodel Hamito Rodillas Mabuting Araw Sakaling magsusumite ng aplikasyon sa SSS na nangangailangan ng birthplace, maaari na lamang pong itala ang tamang lugar nito na tutugma sa isusumiteng dokumento.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Hello SSS, ask ko lang po if gaano katagal ma process ang pagpalit ng DOB. Kase sabay kame nagpa change ng husband ko ng civil status and DOB nya yung sakin na change na and nakapag registered nako sa SSS pero sya hindi ko magawan ng account kc hindi match ang DOB and contact number nya. Thanks po.
A: Hi Cherlin Mabuting Araw Brandon !Para sa inyong online registration concerns at assistance, maaaring mag email ang inyong asawa sa Member Electronic Services Department at onlineserviceassistance@sss.gov.ph Banggitin po ang detalye ng concern / request, kumpletong pangalan at 10 digit SS number. Mag attach ng clear copy ng error encountered kasama ang SSS / UMID ID card o, valid Ids as reference.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: good day po.ask ko lang po 1st step para mag apply ng SSS?kasi sa online kailangan ng CRN / SS Number?wala pa po ako nun…
A: Hi Sir/Ma’am CJ Cadenas Mabuting Araw Sakaling nais maging miyembro ng SSS at mag-secure ng SS number for the first time, maaari pong mag-register gamit ang link at imahe sa ibaba.
https://www.sss.gov.ph/…/siteD…/homeindex/homeIndex1.jsp
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: hello po tanung ko lang po kung pwd rin po ba ako mag apply o maging member mg SSS Kahit po walang regular na na trabaho o self employed lng po ako..gusto ko rin po sana mag member paanu po yun at anu po kelangan salamat po from cagayan valley po ako
A: Hi Ma’am Yvone Paguyo Mabuting Araw Ang isang individual ay maaaring mag-register sa SSS kung siya ay hindi pa over sixty (60) years old, isang pribadong empleyado (whether permanent, temporary, provisional), OFW, non-working spouse o bilang self-employed na mayroong kita galing sa sariling negosyo o propesyon na hindi bababa sa P1,000 kada buwan. Sa kasalukuyan po ay available na thru online ang pagkuha ng SS number.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Ask ko lang po pwede pa po ba kumuha ng SSS mama ko kahit 57yrs old na sya? Kahit voluntary lang po?
A: Hi Farrah Puertillano Mabuting Araw! Ang isang individual ay maaring mag register sa SSS kung siya ay hindi pa over sixty (60) years old, isang pribadong empleyado, whether permanent, temporary of provisional , non-working spouse o bilang self-employed na mayroong kita galing sa sariling negosyo o propesyon na hindi bababa sa P 1, 000 / kada buwan. Sa kasalukuyan po ay available na thru online ang pagkuha ng SS no. Maaaring log in sa www.sss.gov.ph . Matutunghayan po ito sa ibabang parte . Sa pagkakataon na maging succesful ang inyong registration ay mayroon kayong matatanggap na confirmation sa inyong email address.#SSSmembership
Para sa inyong kapakinabangan hinggil as SSS coverage, maaaring tunghayan ang link sa ibaba:
https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp…
https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: Di po ba pwedi naman I taas ko sa maximum ang hulog ko…. dahil ofw po ako, u kaya’y paano po ba process? Kasi pabalik na ako sa qatar this coming august”pero gusto ko pong I taas sa maximum ang hulog ko…. pls advice lang po
A: Hi Sir Nestor Felias Mabuting Araw Ang isang miyembrong SE/VM/OFW below 55 years old ay maaaring magpalit ng kanyang MSC nang walang limit sa frequency at sa number of salary brackets sa isang calendar year, subalit ito dapat ay hindi bababa sa prevailing minimum MSC for SE/VM/OFW members (under Circular 2015-007).
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Pwede po bang mag tanong? Yung papa ko po nag stop nang mag bayad ng contribution nya medyo matagal na po pero gusto ko pong ipagpatuloy ano po bang mga hakbang para jan salamat po sana po masagot po ninyo ito*
A: Hi Ma’am Cassanovi Grace Mabuting Araw Sakaling currently nahiwalay na sa pamamasukan at mayroon ng dating valid contributions sa SSS records, maaari pong mag-remit ng contributions bilang isang voluntary member.
Gayunpaman, sa kasalukuyan, kinakailangan pong mag-secure ng Payment Reference Number (PRN) na siyang kakailanganin sa pagbabayad ng SSS contributions for covered employer/individually-paying member.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: ask ko lang po bakit di nag aappear sa online ung mga contribution ng company namin. magloan n dapat ako ng june kaso di makaloan gawa nun. sino po ba my problema, company or kayo?
A: Hi Sir Bryan Cuenca Mabuting Araw Mayroon pong iba’t-ibang dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi naitatala o huli ang pagtatala ng contribution payments sa records ng miyembro. Ito po ay maaaring:
– hindi pagbabayad ng employer;
– hindi pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo ng employer;
– huling pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo ng employer;
– maling impormasyon sa isinusumiting reports, gaya ng maling SS number;
– maling halaga ng ibinayad na kontribusyon.
Sakaling currently employed sa naturang kumpanya at may remittances na hindi nakatala, kayo o ang inyong employer ay maaaring makipag-ugnayan nang direkta sa SSS servicing branch na may hurisdiksiyon sa kanilang SSS records. Dalhin po ang kopya ng proofs of payment ng inyong employer at mag-request ng posting nito.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Yun po ban CRN nasa umid.pernamente n kung magbabayad ng voluntary cntrubution.
A: Hi Sir/Ma’am Dnaled Santos Villacarlos Mabuting Araw Sakaling ang inyo pong tinutukoy ay ang numero na nakatala sa bagong UMID card, ito po ay ang Common Reference Number (CRN) na kung saan sa oras na ma-update ang system, ito po ang siyang gagamitin sa transaksyon sa sangay ng gobyernong kasapi rito.
Gayundin, iminumungkahi po naming pansamantalang gamitin po muna ang 10-digit SS number sa lahat ng transaksyon na may kinalaman sa SSS.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: sabi kapag gamit ang PRN sa pagbabayad SSS monthly contribution ay mag aappear agad yun payment sa online account…bakit yun payment ko ay more than a week na ay wla pa sa online account ko? OFW po ako.
A: Hi Sir/Ma’am Zihn Dc Mabuting Araw For further assistance and verification of records, maaari pong magpadala ng email sa ofw.relations@sss.gov.ph.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: good day, if double job ka po, at both companies na pinapasukan mo ay required mag bayad ng sss contri. Ask ko lang po kung puede po ba yung 2 company po yung mag huhulog ng sss contribution same month? Magiging doble po yung payment ng contribution?
A: Hi Ma’am Melanie Cawaling Palce Mabuting Araw Maaari pong magkaroon ng higit sa isang employer ang isang SSS member. Gayunman, kinakailangan pa rin po siyang i-report at ipagbayad ng contributions ng nasabing mga employer sa SSS.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: i just want to ask our contribution is not reflecting in your system…my company saw us the proof that we actually have the contribution,and because of that i am not qualified for having a loan because in your system it shows that i have 3 months contribution which is supposed to be i have 39 months already…..
A: Hi Sir/Ma’am Lian Aliugnas Good Day For non-posting of contribution payments can be attributed to any of the following:
– Non-submission of collection lists by the employer
– Delayed submission of collection lists by the employer
– Erroneous entries of data in the submitted collection lists, such as wrong SS Number
– Out of bracket payments
In the event that you are currently employed with the said company, you may coordinate with them and ask for proofs of contribution payments/collection lists that they have remitted for you.
Or, you may coordinate with the SSS servicing branch of your company for further assistance. Kindly bring the said proofs of payments.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Gandang hapon po admin.d po ako marun0ng mag online o c0mputer.maaari ko po bang mag update ng loan payment at contributions naming mag asawa sa malapit na sss branch? Ofw po kami
A: sakaling kayo po ay kasalukuyang OFW member at nais ninyong ma-update ang inyong loan and contributions payment, for assistance ay maaari po kayong mag-email sa ofw.relations@sss.gov.ph
Q: Pano po pag stop n sa work at like po na icontinue ang pghuhulog as self employed or voluntary po ano po ang gagawin?
A: Hi Ma Elena, Mabuting Araw kung nais pong ipagpatuloy ang inyong contributions bilang #PHLSSSvoluntary, pinapayuhan po kayo na magsadya sa malapit na SSS Office para sa Payment Refernce Number o maaari din po itong makuha through our online service/ website.
For more information: https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp…
Best regards,
Chef Saroca/MCAD