Video: SSS Maternity Benefit
Video: Sulit sa SSS: Maternity Benefit
Source: The videos and FAQs are from the Philippine Social Security System’s Official Facebook Page.
Q: Ilan months po ba ang maternity leave, normal delivery?
A: Mabuting Araw Akosi Beng :). Ang maternity allowance po ay katumbas ng 100 percent ng member’s average daily salary credit multiplied by 60 days para sa normal delivery Para sa inyong gabay at impormasyon —
Best regards, Issa Carlos MCAD 🙂
Q: Ask ko lng kung kung pwede ako makaavail ng maternity leave. Kung January 2018 hnd ko na byaran buwan ng employee ko dhl wla ako pinasok nun. Pero Yung JANUARY 2017 AT FEBRUARY MARCH 2018. lang nahulogan ko. Pasok pa din po ba ako sa maternity leave. ? Ayw kz bayaran ng employee ko ung January 2018 ko hnd nahulogan. Manganganak ako ngaun SEPTEMBER 2018.
A: Hi Ms. Leah, Mabuting Araw 🙂 sakaling kayo po ay manganganak sa buwan ng September 2018 ,kinakailangan pong may atleast 3 valid contributions sa inyong SSS record mula APR 2017 to MAR 2018 at nakapagsumite ng MAT1 sa aming tanggapan upang makwalipika sa naturang claim.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Ask ko lng po possible pba mka kuha ng benifits pag nka pnganak na?
A: Hi James, Mabuting Araw! 🙂 Mayroon pong 10 years prescriptive period of filing ng application para sa maternity benefit pagkatapos makapanganak ang miyembro basta nakapagbayad ng hindi kukulangin sa tatlong buwanang kontribusyon sa loob ng isang taon bago ang semestre ng panganganak o pagkakunan.
Best regards,
Liel Payuyao-MCAD
Q: Good day po ilan months po hihintyin ko pag late na npasa sa company ko yung mat 1 at mat2 ko. Thnkyou po
A: Hi Jownna, Mabuting Araw 🙂 sakaling kayo po ay qualified for maternity benefit bilang employed member, ang inyong benepisyo ay kailangang i-advance ng inyong employer. In turn, ang SSS ang sya naman pong magbabayad ng halaga ng inyong claim through your employer’s bank account. Makabubuti pong humiling ng paglilinaw at assistance sa inyong employer tungkol sa inyong maternity benefit. 🙂
Q: Hello! Tanong ko lang kung ano requirements para makapag file ng Maternity?
A: Hi Sir/Ma’am Ranzele Mendoza 🙂 Mabuting Araw 🙂
Para po sa klaripikasyon, maaari po ba naming malaman kung kailan (month & year) po ang expected delivery date ng concerned member?
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: ask ko lng po mggmit ko b po sss ng asawa ko khit d po kmi kasal? kukuha po sna kmi ng maternity.
A: Hi Renerose Villanueva Borro 🙂 Mabuting Araw! Nais po naming ipaalam na ang benepisyo sa panganganak ay perang ibinayad sa babaeng miyembro na hindi nakapagtrabaho dahil sa pananganak o pagkakunan sakaling matugunan ang mga kondisyon nito.
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: Good morning po..ask ko LNG po bka po pde ko p mgmit sss maternity ko..KC nstop po ung pghhulog ko..pde. Po b byrn ko ung wholeyear pra LNG mgmit ko ung maternity ko.
A: Hi EnilYaj Reign Liday 🙂 Mabuting Araw! Sakaling kayo po ay mayroon ng nakatalang kontribusyon ng kayo po ay kasalukuyang namamasukan o bilang self-employed ay maaari po na magapatuloy sa pagbabayad sa boluntaryong pamamaraan. Gayundin, mayroon pong itinakdang deadline ng pagbabayad base sa last digit ng SS no. Samantala, Upang umayon sa benepisyo sa panganganak ay kinakailangang na kayo po ay nakapaghulog ng hindi kukulangin sa tatlong (3) buwang kontribusyon sa loob ng 12-buwan bago ang semestre ng panganganak at nakapagbigay ng kaukulang notipikasyon ng kanyang pagbubuntis sa SSS sa pamamagitan ng pagsusumite ng Maternity Notification Form (MAT-1).
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Gud day po sss,nag file po kasi ako ng mat1,pero Hindi po naaprobahan dahil kelangan ko po ng separation of certification sa dati Kong agency . May iba po bang way para maaprobahan ang maternity ko ,NASA Mindanao napo kasi ako at ang dati Kong agency at NASA Luzon. Plz reply
A: Hi Analiza,
Mabuting Araw! 🙂 Para sa nahiwalay sa trabaho dahil sa AWOL or hindi makakuha ng certificate of separation and non-advancement of payment mula sa dating employer,at umayon naman sa mga kwalipikasyon para sa maternity benefit, maaaring magsumite sa SSS ng duly notarized affidavit of undertaking na nakalagay ang petsa ng pagkakahiwalay sa trabaho at hindi pa nai-advance ng employer ang benepisyo kasama ng application form at iba pang requirements, subject for evaluation based on existing guidelines.
Best regards,
LielPayuyao/MCAD
Q: gud pm., ask lang po pde p kya ko kumuha ng maternity kung ang hulog ko ay aug2016 pa. manganak ako ngaung july or aug 2018
A: Mabuting Araw! 🙂 Sakaling kayo ay manganganak sa July or August 2018, kinakailangan na kayo po ay mayroong atleast 3months na kontribusyon mula April 2017 to March 2018.
For more details, please click the link below: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Best regards,
LielPayuyao-MCAD
Q: Patulong nman po sss ano dpat nmin gawin sa maternity hangang now po dipapo na kukuha 7 months na cya nanganank na submit nnmin ang hinihingi nlang req.ayaw pong asikasuhin ng coordinator nila bataan po kmi manila po ang company nla.bka skali matugunan nyo.enfant specialty shop operated by minton multiresources inc.2328 severeno reyes sta cruz manila. Lorena m. Camacho sss# 0234361188 pls po pki tulungan yan lang po inaasahan.pinapaasa lang cya ng coordinator lagi cnsabi okey na pnay kmi punta ng opisina ng sss wla padin.sna kmiy inyong matulungan salamat po.
A: Hi Ella, Mabuting Araw! 🙂 Para sa employed member, ang maternity benefit ay dapat na binabayaran ng buo ng employer in advance sa empleyado na umayon sa kwalipikasyon sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng pagpafile ng maternity leave application. Ang SSS naman ang siyang magrereimburse ng buong halaga ng ibinayad na maternity benefit sa employer.
Mainam po kung direkta po muna na makipag-ugnayan sa kanyang employer ang member para sa status ng kanyang maternity benefit.
Best Regards,
LielPayuyao-MCAD
Q. Salamat po sa reply nyo,eh kso nga po pinag wawalang bahala lang nla.naibigay nman ng lahat nag hinihingi nlang docomento.snbi nga po nmin kung dinila aasikasuhin magrereklamo na kmi sa Sss ang sagot po nla wag dw cla takutin tama po ba yun?
A: Hi Ella G. Miguel Camacho, Mabuting Araw! 🙂 Maaari pong magsubmit ng formal complaint ang member against her employer for non-advancement of maternity benefit sa nearest SSS branch. 🙂
Q1.1: Gud day po! Tanong kulang po kung talaga bang matagal makuha ang maternity 7 months na pong na nganak ang ank ko hangang now wla padin Cs po cya.at magkano po makukuha kung sakali?Lorena M. Camacho sss#0234361188
A: Hi Ms. Ella, Mabuting Araw 🙂 kayo po ba ay kasalukuyang employed member noong nagsumite ng MAT2?
Q: Opo now wla na work,. Enfant Minton multiresources.Inc. sta cruz manila po yung company
A: Ella G. Miguel Camacho, Mabuting Araw 🙂 sakaling kayo po ay nabigyan na ng payo mula sa aming opisina, makabubuti pong makipag-ugnayan sa inyong employer hinggil sa inyong benepisyo. Ang maternity benefit, if qualified ay kailangang i-advance ng employer sa inyo. In turn, ang SSS ang sya naman pong magbabayad nito thru your employer’s bank account.
Q: sir/maam panu po mag file ng mat2 tapos na po ako sa mat 1 nung april pa po ako nanganak.
A: Hi Rashela, Mabuting Araw 🙂 para po s ainyong kapakinabangan ay narito po ang mga dokumento na kailangang isumite sa aming opisina sa oras na magpapasa ng MAT2. Sundan lamang ang reference link na nasa ibaba.
https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/sss_downloads.jsp…
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: ask kolng poh nkapag fill na po ako nng MATH1 sa sss tpoz now nkpanganak nko need ko mag open account kya bibigyan mo ako nng form PRA mkpag open account po ask kolng po kung OK LNG dnko mag open account kase may cash card nman ako na personal OK lng poh bayon sna po matugunan nyo tanong ko.slamat
A: Hi Jessica 🙂Mabuting Araw! Kinakailangan po ang pagbibigay ng single savings account para sa pagtanggap ng inyong maternity benefit.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: gud evening po.. tanong ko lang po. ung sa meternity benifits po. kaylangan po ba mag opeb muna ng account bago ipass ung mat 1 at mat 2 ?
A: Hi Ghenz! Mabuting araw po! Kung walang pa pong personal na bank account, maaari po kayong humingi ng letter of introduction sa SSS upang makapag-open ng account. ~She Cua/MCAD.
Q: Hi sss.. my question lng ako about s requirements nyo para s maternity benefits.. ako ay isang ofw at ngfile ako s sss legarda branch ng M1 kaso nung hinihingi n ang ultrasound report ko ayw tanggapin ung ultrasound report ko galing dubai kelangan dw ung galing dito s pinas. Pero ngtanong ako s mga kawork ko n umuwi at ngfile ng maternity tinanggap nmn sknlang branch ang ultrasound report n galing dubai. Gusto ko lng malaman n tlga bang ndi pwd ang ultrasound report na galing s ibng bansa at kelangan ay galing pa dito s pinas.. waiting for your reply.. thank you
A: Hi Lhei! Mabuting araw po! Ang mga dokumentong ipapasa ay dapat na translated po in English and duly authenticated ng Philippine Embassy/Consulate Office or duly notarized ng host country. ~She Cua/MCAD>
Q: Hi, voluntary/ofw member po ako. Na-submit ko na po lahat ng requirements for Maternity Benefit Claim including ung savings account number ko nung May 7, 2018 pa sa SJDM Bulacan branch. Advise sakin marereceive ko within 3-4 weeks. Pero hanggang ngayon more than a month na wala pa din pumapasok sa savings account ko. Nakabalik na din po ako sa SG hanggang ngayon wala pa din. Nag email na din po ako sa sss emails na alam ko pero wala pa din reply. Sana po matulungan nyo ako or mabigyan ng advise para dito. Maraming Salamat po!
A: Hi Ma’am Marishel Co-Vergara 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling nakapagpadala na po kayo ng email, maaari po ba naming malaman ang mga sumusunod (for follow-up purposes).
- Personal e-mail address na ginamit
- Complete SSS email Address kung saan nagpadala ng concern
- Date at time nagpadala ng concern
Sa oras na ito ay aming makuha, amin po kayong i-a-advise na paki-delete ang inyong pinost na personal information for security purposes.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Hello po sss..nahospitalize ng 2 days ang hipag ko pagkatapos nyang manganak,pwede ba sya mag file ng sickness benefit?
A: Hi Nene 🙂 Mabuting Araw! Sakaling ang pagkakasakit ay sakop po ng maternity leave ay hindi po maaaring tumanggap ng dalawang benepisyo sa iisang pagkakataon.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Philippine Social Security System, Natanggap ko na poh ang Maternity benefits ko..pro ngtaka poh ako kung bakit ang baba poh ng nkuha ko… ito’y dahil poh ba nkpag skip aq ng hulog ng 4 months?… last april po ako nanganak.
A: Hi Ma’am Hayati Maaki 🙂 Mabuting Araw 🙂 Para po sa inyong kapakinabangan sa SSS Maternity Benefit computation, maaari pong pakisundan ang link sa ibaba. At kung Sakaling kayo po ay nanganak sa buwan ng April 2018, kinakailangan na kayo po ay mayroong at least three (3) valid monthly contributions mula JAN 2017 to DEC 2017 at nakapagbigay ng kaukulang notipikasyon ng inyong pagbubuntis sa SSS sa pamamagitan ng pagsusumite ng Maternity Notification Form (MAT-1) upang umayon sa benepisyo sa panganganak.
http://www.youtube.com/watch?v=HMwfYie06gQ&feature=youtu.be
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Hello po. Ask kolang po kung paano ako makakakuha ng maternity benefits. 2 beses palang po kasi nahuhulugan account ko then na stop na po sya. 1 year kona pong di nahuhulugan. Ask kolang po kung anu ang dapat kong gawin para makakuha ng maternity benefits. Salamat po. Saka magpapa change status din po pala ko.
A: Hi Donna, Mabuting Araw! 🙂 Maaari pong magfile ng maternity benefit ang member basta nakapagbayad ng hindi kukulangin sa tatlong buwanang kontribusyon sa loob ng isang taon bago ang semestre ng panganganak o pagkakunan. For more details, please click the link below:
https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
https://www.facebook.com/pg/SSSPh/posts/?ref=page_internal
Para sa pagsasa-ayos naman po ng status, maaaring magtungo sa malapit na sangay ng SSS at punuan ang Member Data Change Form. Magdala ng inyong certified true copy of marriage certificate from Local Civil Registar/NSO at 2 valid IDs for reference.
Best regards,
Liel Payuyao-MCAD
Q: Hi SSS.. Tanong ko lang po sana kung employed at naka-maternity leave, sino po dapat ang magbayad ng contribution habang naka-leave? Thanks po.
A: Hi Ma’am Carrel Mae Puertos-Cinco 🙂 Mabuting Araw 🙂 Ang SSS monthly contributions ay base sa monthly compensation na ibinibigay sa empleyado ng kanyang employer.For further assistance, maaari pong sumangguni sa inyong employer upang humiling ng payo kaugnay sa nasabing concern.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Philippine Social Security System If kasabay po na magpapasa ng MAT 2 at Change Status Form,kasama po sa requirements ang Original or CTR copy ng Birth Cerificate, dapat po ba dalawang copies ng Original/CTR? or pwede na po photocopy yung isa?
A: Hi Ma’am Carrel Mae Puertos-Cinco 🙂 Sakaling currently employed, maaari pong isumite ang original/certified true copy ng birth certificate kasama ang photocopy nito para sa pagkukumpara ng aming personnel.
Q: Hi po..tanong ko lang po if ano need na requirements para makapagfile ng maternity benefits? Nagkamiscarriage po ako last week pero hindi pa ko nakapagnotify sa SSS..pano po yun? Employed po ako. Thanks
A: Hi Ma’am Joy Denus Sison 🙂 Ayon po sa guidelines ng SSS Maternity Benefit, ito po ay ipinapauna o ina-advance ng employer sa kanyang empleyado (qualified member).Para sa kaukulang assistance at impormasyon, maaari pong makipag-ugnayan sa inyong employer o sa SSS servicing branch na may jurisdiction sa SSS records ng kanilang kumpanya upang humingi ng payo/klaripikasyon hinggil po sa inyong concern.
For further reference:
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q : Q: Ask ko lang po gaano po katagal ihuhulog po ung maternity benefits sa atm card po?
A: Hi Ma’am Assey Fernandez 🙂 Sakaling separated/voluntary/self-employed member, 10 to 30 working days (excluding Saturdays, Sundays and Holidays) po ang processing time ng maternity benefit claim. Subalit, maaari po itong magtagal sakaling mayroon pang mga additional documents na dapat isumite o may confirmation/evaluation na kailangan gawin sa records ng miyembro kaugnay ng processing ng naturang benefit claim application.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Good day ma’am/sir! Pano po ba malalaman ng member yung maternity kung magkano? Kasi ok na po mat2 ko pero Hindi mabuksan ng employer ko yung account ko,yun nalang daw ang kulang pra maka gawa ng checke ..bakit po dun ba sa account ng member malalaman kung magkano ? Thanks po
A: Hi Ma’am Fritz Descartin 🙂 Mabuting Araw 🙂 Ayon po sa guidelines ng SSS Maternity Benefit, ito po ay ipinapauna o ina-advance ng employer sa kanyang empleyado (qualified member). Para sa kaukulang assistance at impormasyon, maaari pong makipag-ugnayan sa inyong employer o sa SSS servicing branch na may jurisdiction sa SSS records ng kanilang kumpanya upang humingi ng paglilinaw hinggil po sa inyong concern.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q : ask q lng po, 2012 po nkpag maternity aqo, then 2015 nkpag work aqo sa company 5mos po nhulugan ss qo. .tpos nagresign nko nung nkpag 5 mos nko.. until now d qo na po nhhulugan sss qo , then ngaun po buntis po aqo 4mos, gsto q po sana hulugan sss qo,pra mkpag maternity po aqo,may posible po kaya mkpag maternity aqo??? at magkno po kaya bbyaran kong full pra mkpag maternity aqo?? Delivery date November 13 2018 po.
A : Hi Ma’am Princess Leonor Montenegro 🙂 Mabuting Araw 🙂
Sakaling kayo po ay manganganak sa buwan ng November 2018, kinakailangan na kayo po ay mayroong at least three (3) valid monthly contributions mula JUL 2017 to JUN 2018 at nakapagbigay ng kaukulang notipikasyon ng inyong pagbubuntis sa SSS sa pamamagitan ng pagsusumite ng Maternity Notification Form (MAT-1) upang umayon sa benepisyo sa panganganak.
Q: Pag ectopic pregnancy with operation, is it considered po ba as Cesarean? May 30, 2018 ako naoperahan.
A: Hi Ma’am Norraine Franches Janiola Lagasca 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling kayo po ay nag-undergo sa naturang procedure na may kinalaman sa pagbubuntis sa buwan ng May 2018, kinakailangan na kayo po ay mayroong at least three (3) valid monthly contributions mula JAN 2017 to DEC 2017 at nakapagbigay ng kaukulang notipikasyon ng inyong pagbubuntis sa SSS sa pamamagitan ng pagsusumite ng Maternity Notification Form (MAT-1) upang umayon sa benepisyo sa panganganak.
Q: Mangnganak po ako ng oct. 2018 nakahulog po ako ng jan to june 2018 makakakuha ba ako ng maternity benefit?
A: Hi Ma’am Myrra Santos 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling kayo po ay manganganak sa buwan ng October 2018, kinakailangan na kayo po ay mayroong at least three (3) valid monthly contributions mula JUL 2017 to JUN 2018 at nakapagbigay ng kaukulang notipikasyon ng inyong pagbubuntis sa SSS sa pamamagitan ng pagsusumite ng Maternity Notification Form (MAT-1) upang umayon sa benepisyo sa panganganak.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: good morning po.. Ask ko lang po, kung may makukuha po b ako n maternity benefits? Bale ofw po ako dati.kaso natigil po ang hulog last year until now.. pero the previous year e nahulugan ko po.. buntis po ako now at by the end of aug.or first week po ang due date ko. Thank u for your response po.
A: Mabuting Araw Mayflor 🙂. Sa ilalim ng benepisyo sa panganganak ang isang babaeng miyembro ay kailangang nakapaghulog ng hindi kukulangin sa tatlong (3) buwang kontribusyon sa loob ng 12-buwan bago ang semestre ng panganganak o, pagkakunan at nakapagbigay ng kaukulang notipikasyon ng kanyang pagbubuntis sa SSS Para sa inyong gabay kaugnay ng SSS Maternity, its qualifying conditions and requirements —
https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Upang maberipika ang rekord at mabigyan ng karagdagang payo, maaaring tumawag ☎ anumang oras (24 hrs) sa 917-7777 o, Call Center hotlines at 920-6446 to 55 mula Lunes hanggang Biyernes. O, thru the Domestic Toll Free number (outside Metro Manila) at 1-800-10-225 -5777 (1-800-10-CALL SSS).
O, amin pong iminumungkahi na makipag-ugnayan sa alinmang tanggapan ng SSS for further assistance.
~ Best regards, Issa Carlos MCAD 🙂
Q: ask k lng pwde b aq mgfile ng maternity k s province nmin khit n dto aq s manila kumuha ng sss k ksi my employer nman aq dto kailangan po b tlga NG COE ny employer tnx
A: Hi Sir/Ma’am Adimollem Christian 🙂 Ayon po sa guidelines ng SSS Maternity Benefit, ito po ay ipinapauna o ina-advance ng employer sa kanyang empleyado (qualified member). Para sa kaukulang assistance at impormasyon, maaari pong payuhan ang concerned member na makipag-ugnayan sa kanyang employer upang humiling ng payo kaugnay sa nasabing concern.
For further reference:
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Philippine Social Security System sa sss maternity klangan po ba talaga ng atm photocopy o kahit account number lang? Salamat
A: Hi Iris 🙂 Mabuting Araw! Sakaling individually paying member ay kinakailangan po ang pagtatala ng single savings account para sa pagtanggap ng benepisyo mula sa panganganak.
Para sa inyong kapakinabangan maaaring sundan ang larawan sa ibaba.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hello sss, May makukuha po bang maternity benefits pag first baby?
A: Hi Rheidz, Mabuting Araw 🙂 upang umayon sa ilalim ng #PHLSSSmaternitybenefit ang isang miyembrong 👩babae ay kailangang matugunan ang mga sumusunod 👶:
- Nakapaghulog ng hindi kukulangin sa tatlong (3) buwang kontribusyon sa loob ng 12-buwan bago ang semestre ng panganganak.
2. Nakapagbigay ng kaukulang notipikasyon ng kanyang pagbubuntis sa SSS sa pamamagitan ng pagsusumite ng Maternity Notification Form (MAT-1).
For your further reference: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Sample computation: http://www.youtube.com/watchv=HMwfYie06gQ&feature=youtu.be
Best regards,
Chef Saroca/MCAD
Q: ask ko lang po paano ko po ba malalaman kung naideposit na yung maternity benefit ko sa aking bank account?
A: Hi Mandy Mandy 🙂Mabuting Araw! Sakaling ang inyong claim ay settled na matanggap ang benepisyo within 10 working days. Maaari po na magberipika from time to time. O, maaaring tumawag anumang oras (24 hrs) sa aming Inter-active Voice Response System (IVRS) at 917-7777 o, Call Center Hotlines at 920-6446 to 55 at 1-800-10-2255777 Toll-Free mula Lunes hanggang Biyernes.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Help naman po. 2months napo maternity benefit ko until now on process padin. Sana po nasipsip ng sss na benefit Yun Hindi loan kaya Hindi kami dapat pinapahirapan maghintay.
A: Hi Sarah Del Rosario Valdez 🙂 Mabuting Araw! Sa pagkakataon na may pagkaantala sa proseso ng inyong aplikasyon maaaring humiling ng kaukulang assistance o paglilinaw sa Supervisor o Branch head ng SSS servicing office kung saan nagsumite at tinanggap ang aplikasyon.
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: gud day po ganu po ktgl mkha ung miscariage leave .. ilang buwan po b ung ba2yaran nio employed ako.
A: Hi Ma’am EM EL YN Ayon po sa guidelines ng SSS Maternity Benefit, ito po ay ipinapauna o ina-advance ng employer sa kanyang empleyado (qualified member). Para sa kaukulang assistance at impormasyon, maaari pong makipag-ugnayan sa inyong employer o sa SSS servicing branch na may jurisdiction sa SSS records ng kanilang kumpanya upang humingi ng paglilinaw hinggil po sa inyong concern.
For further reference, maaari pong pakisundan ang imahe sa ibaba.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Gup pm po tanong kulang po nagloan ako bago lang..kaso po buntis ako ngayun hanggang 3months lng ako sa pinapasukan ko..kay bawal na sa establisment..tanong kulang po maapiktuhan po ba ang maternity ko..kung hindi kopa muna mabayaran ang loan ko..
A: Hi Ma’am Cristine Lacorte Dalaguite Marzado 🙂 Mabuting Araw 🙂
Nais po naming ipaalam na sa kasalukuyan ay hindi po ibinabawas/ikinakaltas ang anumang existing salary loan balance sa maaaring matanggap na maternity benefit ng isang kwalipikadong babaeng miyembro ng SSS.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Hi po.. Ask ko lng po.. Nakapasa n po ng mga requirements s mat2 ngyn po nagtxt po skn ang sss n kylngn k p rw po magpasa ng histopathological result.. Panu po kng wala ako maipasa at wala po bngay skin..mkaka claim pb ako?
A: Hi Nerissa 🙂Mabuting Araw! Sakaling nahilingan ng karagdagang dokumento at ito po ay hindi available. maaari po na ipaalam ito sa naturang SSS office para sa kaukulang payo sa hakbangin na maaaring isagawa kaugnay sa pagpoproseso ng aplikasyon.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: hello po…tanong lang po May 2018 pa ako nag process ng maternity ko pero until now hindi pa na approve kasi yung employer ko walang business account na kailangan ng sss…pwede ba na i.checke nalang yung maternity benefit na makukuha ko instead sa bank ng employer ko?..small business lang kasi yung tinatrabahuan ko..
A: Mabuting Araw Kiara 🙂. Base po sa guidelines na sinusunod ng SSS, ang employer /s ay required na mag-enroll sa “Sickness and Maternity Benefits Payment thru-the-Bank Program” (SMB-PTB), kung saan ang SSS reimbursements will be deposited directly sa kanilang existing savings/current account ng employer.
Upang mabigyan ng karagdagang payo / assistance, maaaring makipag-ugnayan ang employer sa SSS servicing branch na siyang nangangasiwa sa kanilang rekord. ~ Best regards, Issa Carlos MCAD 🙂
Q: ilang months po ba bago mahulog sa employer account ang maternity ng asawa ko?mag 1 month na po kase pero ang sabe sa sss 2 weeks lang ma release na po agad
A: Yes Ms. Prince Ray-Sean Cosares, kinakailangan po na maisumite kaagad sa aming tanggapan ang mga kaukulang dokumento na kinakailangan sa pagpoproseso ng kaniyang maternity claim.
Q: Hi SSS . Kakaresign ko lang sa employer ko pero sa kanila ako nagsubmit ng maternity notification . ano po pwede ko gawin kasi magvovoluntary na lang ako at panu ko ifafile ung maternity benfits ko?
A: Hi France Largoza, sakaling kayo po ay separated member na, maaaring personal na-isumite sa aming tanggapan ang inyong MAT1 o thru online service.
For more info: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Gud pm po.. ask ko lang po yung SSS maternity benefit ko po magtotwo months na po until now wala pa po and kahit yung requirements kc po decline nung june 13,2018 wala pa po sa office ng SSS LEGAZPI CITY… need ko po kasi yung pera for my daugther thank you po… need answer asap
A: Makabubuti pong isumite ang mga dokumentong kailangan upang maiproseso ang inyong claim. Samantala, para po sa status verification ng inyong claim, kung inyo pong nanaisin ay maaari po kayong makipag-ugnayan ng direkta sa supervisor o sa branch head ng naturang opisina, narito po ang contact details:
LEGAZPI BRANCH
Address: Morante Bldg., Imperial Court Subd., Phase II, Legazpi City
Tel. Nos.: (052) 480-7301 * 480-7076
Fax No.: (052) 480-7074
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Good pm po..ask ko lang po kung maaari pa po ba akong mag file ng mat1? Kahit 3 taon na ang bata?..
A: Hi Arhil, Mabuting Araw 🙂 ang MAT1 ay isinusumite bago ang inyong delivery. Samantala, upang umayon sa ilalim ng #PHLSSSmaternitybenefit ang isang miyembrong 👩 babae ay kailangang matugunan ang mga sumusunod 👶:
1.Nakapaghulog ng hindi kukulangin sa tatlong (3) buwang kontribusyon sa loob ng 12-buwan bago ang semestre ng panganganak.
2.Nakapagbigay ng kaukulang notipikasyon ng kanyang pagbubuntis sa SSS sa pamamagitan ng pagsusumite ng Maternity Notification Form (MAT-1).
For your further reference: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Gayunpaman, ang SSS ay may sinusunod na 10 years prescriptive period para sa filing ng 👶 👫 maternity benefit (kung umayon sa mga kwalipikasyon at kondisyon na itinakda sa naturang claim) after ng inyong delivery date. Para po sa inyong kapakinabangan, kung inyong nanaisin ay maari pong makipag-ugnayan sa 🏢 SSS Office na malapit sa inyong lugar upang kayo po ay mabigyan ng kaukulang assistance hinggil sa inyong concern. (This is subject for evaluation based on the existing guidelines)
Best regards,
Chef Saroca/MCAD