SSS Contributions FAQs

How do I check my SSS Contributions online? 

In 2023, checking SSS contributions can be done through the SSS website. By logging in to your SSS account, you will be able to review and check your contributions quickly and easily.

Accessing the SSS website is simple. First, open your internet browser (Google Chrome, Microsoft Edge, Safari, or whatever is available on your computer or device).

Then, enter the official website URL of the Social Security System of the Philippines, which is https://sss.gov.ph.

If you’re logging in as a member, click the Member button. Otherwise, click Employer if you’re logging in as an Employer.

Next, enter your User ID and Password. If you forgot your info, follow the instructions here on how to reset your SSS Password or User ID.

 

Once logged in, click Contributions under Inquiry, and you will be taken to a page where you can review your contributions for the current year as well as historical contributions from previous years.

Aside from your monthly contributions, you can also view your total number of contributions displayed and not displayed, the total number of contributions posted, and the total amount of contributions.

You can also view your contributions as Self-Employed or Voluntary Member, and contributions under Flexi-Fund, WISP, and WISP Plus, by clicking the specific tabs on top.

Click here to know more on how to check SSS contributions online this 2023.

Why should I check my SSS Contributions online instead of going to the SSS branch?

The SSS website is a great tool for individuals who are self-employed or voluntary members, as it allows them to easily keep track of their contributions and apply for benefits when needed.

The website also simplifies the process of filing for SSS benefits, making it easier for those who may have difficulty physically going to the SSS office.

The website’s user-friendly interface will make the entire experience more convenient and efficient, allowing members to access their information quickly and easily.


How can I increase my SSS Contribution? 

You can increase the amount of your contributions to SSS with the following provisions:

a. A Voluntary Member (VM) who is below 55 years old is allowed to change his/her Monthly Salary Credit (MSC) without limit in frequency and in number of salary brackets in a given calendar year, but in no case shall it be lower than the prevailing minimum MSC. Submission of written request is not required.

b. A VM who is 55 years old and above, however, is allowed to increase his/her MSC only once in a given calendar year and by one (1) salary bracket only from the last posted MSC, except for the following cases whereby certain rules shall apply accordingly:

In case of a change in his/her membership type from EE/SE to “VM” for the first time, he/she shall be allowed to increase his/her MSC without limit; and

In case of a higher maximum MSC under a new applicable Schedule of Contributions, he/she shall be allowed to increase his/her MSC up to the new maximum MSC, provided that his/her last posted MSC corresponds to the maximum MSC under the immediately preceding Schedule of Contributions. The corresponding MSC of the first contribution in the above cases shall be the basis in determining compliance with the allowable change in succeeding MSC.

c. No limit in frequency and amount shall be imposed in case of decrease in MSC, but in no case shall it be lower than the prevailing minimum MSC.

Q: gud day po tanong ko lang po kung pwde ko pa dagdagan ang monthly contribution ko for the month of april, may, june.. 220 lang po gusto ko gawing 550 monthly? thanks po

A:  Hi Maya 🙂 Mabuting Araw! Sakaling natala na po ang naging pagbabayad ay hindi na maaaring dagdagan ang halaga nito. Maaari po na magsagawa ng increase sa susunod na pagbabayad.

  • A VM who is below 55 years old is allowed to change his/her MSC without limit in frequency and in number of salary brackets in a given calendar year, but in no case shall it be lower than the prevailing minimum MSC. Submission of written request is not required.
  • A VM who is 55 years old and above, however, is allowed to increase his/her MSC only once in a given calendar year and by one (1) salary bracket only from the last posted MSC, except for the following cases whereby certain rules shall apply accordingly:

In case of a change in his/her membership type from EE/SE to “VM” for the first time, he/she shall be allowed to increase his/her MSC without limit; and

In case of a higher maximum MSC under a new applicable Schedule of Contributions, he/she shall be allowed to increase his/her MSC up to the new maximum MSC, provided that his/her last posted MSC corresponds to the maximum MSC under the immediately preceding Schedule of Contributions. The corresponding MSC of the first contribution in the above cases shall be the basis in determining compliance with the allowable change in succeeding MSC.

  • No limit in frequency and amount shall be imposed in case of decrease in MSC, but in no case shall it be lower than the prevailing minimum MSC.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q:  Mag ask lang po ako.. bakit di nkikita ung contribution ko sa website? Thank you

A: Mabuting Araw! 🙂 Sakaling mayroon na po kayong account sa online, maari po kayong mag log-on sa inyong account. From home page, iclick ang tab na “Inquiry”, then “Member Info”, at buksan ang “Actual Premium” upang matunghayan ang inyong contribution rekords.

For optimal viewing and functionality of SSS website, please try to access your account via personal computer using Internet Explorer version 11 browser.

Best regards,

Liel Payuyao-MCAD

Q: Galing pera Kung pinaghirapan parang ayaw na talaga ibalik 3years ko na binabalik balikan sss branch

A:  Hi Jumar Ignes 🙂Mabuting Araw! Sa pagkakataon na may pagkaantala sa proseso ng inyong request maaaring humiling ng kaukulang assistance o paglilinaw sa Supervisor o Branch head ng SSS servicing office kung saan nagsumite at tinanggap ito.

O, maaaring mag-email sa aming Member Communications and Assistance Department at member_relations@sss.gov.ph. Ipaalam lamang po ang detalye ng inyong concern (type of request / date of filing / SSS branch), kumpletong pangalan ng miyembro at 10-digit SSS number. Maglakip po ng acknowledgement stub (proof of filing) / valid IDs as reference.

Best regards,

Flor Mercado,MCAD

Q: gud morning po… nagbayad po ako sa LBC last May 14, 2018 until now wla pa pong posting sa binayad ko… pinuntahan ko na ang LBC nag email dw cla sa SSS pano po yan??

A:   Hi Ma’am Rovelenne Amoto 🙂 Mabuting Araw 🙂

Sakaling naberipika na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin po nakatala ang naturang SSS payment/s, maaari pong makipag-ugnayan sa malapit na SSS office dala ang validated proof of payment/s and valid IDs (with photo and signature) for reference.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: Paano po kung natigil ka sa paghulog ng almost 5 yrs paano po iyon babayaran mo pa iyon? kung sakaling icontinue mo ngayon ang monthly?

A: Mabuting Araw Eva 🙂. Ang SSS ay wala pong retro payment ng kontribusyon para sa self employed / voluntary / OFW. Ang mga taon o, buwan na nakalipas na hindi nabayaran sa itinakdang panahon ay hindi na maaaring balikan, ito ay maaari lamang ipagpatuloy. ~ Best regards, Issa Carlos MCAD 🙂

Q: pano nama po kung nag stop kana ng hulog pero more than 120 na ang contribution mo anong benifit ang pwedi mong ma avail? kung wala kapamg pension

A: Hi Ma’am Rowena Lopez 🙂Mabuting Araw 🙂

Para po sa inyong kapakinabangan hinggil sa mga benepisyo ng SSS, maaari pong pakisundan ang link sa ibaba:

http://www.youtube.com/watch?v=QVOIaB_xh8k

https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp…

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: Hi Bhell, Mabuting Araw 🙂 for verification, kayo po ba ay may mga dati nang valid contributions at sa kasalukuyan ay nais po itong ipagpatuloy o kaya ay totally wala pang hulog?

A: Hi Bhell, sakaling may valid contributions na sa inyong SSS records at sa kasalukuyan ay nais pong ipagpatuloy ang inyong contributions bilang #PHLSSSvoluntary, pinapayuhan po kayo na magsadya sa malapit na SSS Office para sa Payment Refernce Number o maaari din po itong makuha through our online service/ website.

For more information: https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp…

Best regards,

Chef Saroca/MCAD

Q. Hello. Saan po pwede magcomplain about sa hinde nagreremit na employer? Since Jan2018 wala kc nakareflect na contribution namin. Sana po my sumagot at makatulong. Thanks

    A: Hi Cez, Mabuting Araw 🙂 sakaling ang inyong kompanya ay operational pa sa kasalukuyan, makabubuti na humiling muna ng kaukulang paglilinaw hinggil sa inyong concern.

Samantala, kung inyong nanaisin, maaaring maghain ng pormal na reklamo sa SSS servicing branch kung saan may records ang inyong employer. Magdala po lamang ng mga katibayan sa pagtratrabaho tulad ng company ID, payslips, certificate of employment, etc.

For http://noonbreakbalita.com/rtc-quezon-city-pasay-city-convict-four-employers-for-non-remittance-of-sss-contributions/reference: https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/viewArticle.jsp…

https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/viewArticle.jsp…

Best regards,

Chef Saroca/MCAD

Q:  goodafternoon po maam /sir tanong ko lng po..my penalty po ba kapag hindi nabarayan monthly sa voluntary po. kapag lumagpas ng mga 4 months.?salamat po sa ssagt..

A: Hi Alma,

Mabuting Araw! 🙂 For voluntary members, wala pong penalty ang missed payment of contributions. Nais lamang po naming ipaalam na ang SSS ay walang retroactive payment of contributions. Ang mga buwan na hindi po nabayaran sa takdang panahon bilang voluntary / self-employed member ay hindi na maaaring balikan. Ito ay maaari lamang ipagpatuloy.

Best regards,

LielPayuyao-MCAD

Q: gud day.. pede po magtanonh.. bkit po may paktaw ang hulog ko ng sss contri nung april? tapos may po meron eh kinaltasan nmn po ako ng company pra sa contribution.. bkit nd po na post ung pang april? at ung loan ko po tuwing kelan po kau nag uupdate? qng quarterly po qng hulog nh agency kelan po ma popost ung ng bayad ko ng april may june?

A: Hi Chiano, Mabuting Araw! 🙂 Kung employed at may remittances na hindi nakatala, kayo o ang inyong employer ay maaring makipag-ugnayan sa SSS branch na may hurisdiksiyon sa rekord ng inyong employer. Dalhin po ang kopya ng katunayan ng pagbabayad ng inyong employer at mag-request ng posting nito.

Best regards,

LielPayuyao-MCAD

Q: Hello po ano po ba gagawin ko 3 years na po ako sa employer ko isang buwan lang hinihologan nila..tapos kada buwan naman ako kinakaltasan kada sahod ko..aNo po ba ang dapat kong gawin..

A: Hi Alejandro,

Mabuting Araw! 🙂 Kung hindi po tumutupad ang inyong employer sa kanilang obligasyon gaya ng pagreremit ng inyong contribution sa SSS on time, maaari po kayong direktang dumulog sa pinakamalapit na SSS branch at magfile ng formal complaint. Magdala po kayo ng two valid IDs, proof of employment kagaya ng payslips at employment ID.

Best regards,

LielPayuyao-MCAD

Q: Where can I pay my sss contributions other than the branch? Voluntary paying member

A:  You may pay your contributions to any SSS offices with tellering facilities, Bayad Center or accredited banks.

Q: Out of topic question po. Ask ko saan po ba pwede ireklamo ang employer na patalon talon ang paghuhulog ng SSS. Yung company po ng kuya ko ay 74 months na walang hulog sobra pa ng 7 taon. Ang style po nila ay maghuhulog ng 2 consecutive months tapos hindi maghuhulog ng 6 months tas hulog ulet tas talon ulet. Nung binilang ko po ang walang hulog kasi magre retiro na sya, 74 months po ang walang hulog. Kumpleto po sya ng payslip na kinakaltasan siya. Sana po masagot ang tanong ko

A: Mabuting Araw! mayroon pong iba’t-ibang dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi naitatala o huli ang pagtatala ng kontribusyon o loan payments sa records ng miyembro. Ito po ay maaaring:

  • hindi pagbabayad ng employer;
  • hindi pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo, ng employer;
  • huling pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo ng employer;
  • Maling impormasyon sa isinusumiting reports, gaya ng maling SSS number;
  • Maling halaga ng ibinayad na kontribusyon.

Kung employed at may remittances na hindi nakatala, kayo o ang inyong employer ay maaring makipag-ugnayan ng direkta sa SSS branch na may hurisdiksiyon sa records ng inyong employer. Dalhin po ang kopya ng proofs of payment ng inyong employer at mag-request ng posting nito.

Best Regards,

-George Tuba/MCAD

Q : Hi sss pwede ako mgtanong ang last payment ko sa sss ay 2014 yung ngwowork papo ako dati amg absent year ko po ay 2015 to 2018 , ano po ang dapat kung magndang gawin babayaran ko po ung 2015 to 2018, or ang 2018 lng po ang babayarn ko ngaun na year 2018

A:  Hi Kimmie Montes 🙂Mabuting Araw! Sakaling kayo po ay mayroon ng nakatalang kontribusyon ng kayo po ay kasalukuyang namamasukan o bilang self-employed ay maaari po na magapatuloy sa pagbabayad sa boluntaryong pamamaraan. Samantala, mayroon pong deadline na sinusunod base sa last digit ng SS no. Ang mga buwan na hindi natugunan ay hindi na po maaaring balikan.Maaaring sundan ang larawan sa ibaba.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q :  good day po.ask ko lang po bt ayaw ako bgyan ng printout contribution pbalik2 npo ako sa office sa pampanga.sbe try ko dw thru online.kso ngoonline po ako d ko makita contribution.nid ko lang po talaga requirements po kc for abroad.sana po matulungan nyo po hiling ko.salamat po

A: Hi Weng,

Mabuting Araw! 🙂 Paumanhin po ngunit hindi na po nagbibigay ng print out sa branches sapagkat ito po ay available na po sa online account ng member.

Sakaling mayroon na po kayong account sa online, maari po kayong mag log-on sa inyong account. From home page, iclick ang tab na “Inquiry”, then “Member Info”, at buksan ang “Actual Premium” upang matunghayan ang inyong contribution rekords.

For optimal viewing and functionality of SSS website, please try to access your account via personal computer using Internet Explorer version 11 browser.

Best regards,

Liel Payuyao-MCAD

Q : Hi po pwede ko po malaman if pwede po ba iadvance na ang bayad sa Contribution halimbawa sa 10yrs of contribution para maging total disability na. Kasi po partial palang po ung benefits na narerecv ko dahil hindi ko pa nareach ung 10yrs. Thanks in advance.😇

A : Hi Karamissy Gonzales Sabio 🙂 Mabuting Araw! Maaari po na magbayad ng advance kung nanaisin.

Samantala, ang monthly pension ang maaaring matanggap ng miyembro kung siya ay may at least 36 monthly contributions at Lump Sum naman kung kulang sa 36 months contributions.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: good pm po , ask ko lang po kung paano ung SSS ng tatay ko kc po nakakulong siya 1 year na po ngayon nastop na pagbabayad niya kasi hindi ko po mahulugan hindi na din po hinulugan ng nanay ko kasi hiwalay na sila . mahigit 10 years na din po ang contribution niya , may makukuha po ba siya sa ganyang kaso ?

A: Mabuting araw po! Sakaling may dati nang posted valid contribution bilang covered employee o self-employed ay maaaring maghulog bilang voluntary member. Bago muling maghulog ay makabubuti po na makipag-ugnayan sa malapit na sangay ng SSS o tumawag sa (02) 920-6401 local 5971; 5966; 6449; 5240; 5968; 6092 para sa kaukulang beripikasyon ng inyong records.

Best Regards,

-George Tuba/MCAD

Q: Pano po malaman kung ilan moths n ang contriburtions?

A: Hi Carol Aguinaldo 🙂 Mabuting Araw ! IMaaari po na matunghayan at madownload ang rekord online. Magrehistro bilang miyembro sa ilalim ng my.SSS link sa SSS website at www.sss.gov.ph.

O, maaaring tumawag anumang oras (24 hrs) sa aming Inter-active Voice Response System (IVRS) at 917-7777 o, Call Center Hotlines at 920-6446 to 55 at 1-800-10-2255777 Toll-Free mula Lunes hanggang Biyernes.

O,maaaring maberipika ang rekord gamit ang SSS Text Service, mangyaring sundin ang mga sumusunod:

TO REGISTER: SSS REG <SSNUMBER> <BDAYmm/dd/yyyy> and send to 2600

Ex. SSS REG 1234567890 04/03/81 and send to 2600

For Contribution

SSS CONTRIB <SS NUMBER> <PIN>

For Loan Balance

SSS LOANBAL <SS NUMBER> <PIN>

For Loan Status

SSS LOANSTAT <SS NUMBER> <PIN>

Ang service fee para sa Globe and Smart subscribers ay P2.50 samantalang P2.00 naman para sa Sun subscribers.

Best regards,

Flor Mercado,MCAD

Q:  Authorized po ba East Cost en LBC bket ala cla sa list?

A: Hi Josette Pascual 🙂 Mabuting Araw! Sakaling ang naturang LBC ay accredited o may partnership sa Bayad Center ay maaari po na magsagawa ng pagbabayad.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: bakit wala western union at BDO Unibank 

A: Hi Adam Valle 🙂Mabuting Araw! Sa kasalukuyan po ay ito ang mga SSS collection partners na tumatalima na sa implementasyon ng RTPC

BANK PARTNERS

  • Asia United Bank
  • Bank of Commerce
  • Bank of the Philippine Islands
  • Philippine Business Bank
  • PNB Savings Bank
  • Security Bank Corp.
  • Unionbank of the Philippines
  • Wealth Development, Inc.

NON-BANK PARTNERS

  • CIS Bayad Center
  • G-Xchange, Inc.
  • I-Remit, Inc.
  • Pinoy Express Hatid Padala Services
  • Sky Freight Forwarders, Inc.
  • Ventaja International, Inc.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q:  Puwede ko na ba itigil ang monthly pay ko sa ss. Nacompleto ko na yong 120 months

A:Mabuting Araw Luzviminda 🙂. Ang buwanang pensyon sa ilalim ng benepisyo sa pagreretiro, ito ay ipinagkakaloob sa miyembrong 60 taong gulang na nahiwalay sa trabaho o hindi na kumikita sa anumang paraan at 65 taong gulang may trabaho o wala at nakapaghulog ng di kukulanging 120 buwanang kontribusyon.

** Maliban po dito ang Underground Mineworkers at age 50 (optional retirement) o, 60 years old (Technical Retirement).

Sa pagkakataon na nakumpleto na ang required number of contributions to qualify to the monthly pension under retirement benefit at wala pang 60-years old, aming iminumungkahi na magpatuloy ang miyembro sa paghuhulog ng kontribusyon, to qualify to other benefits (such as sickness) and loan privileges. Or, in case na employed ang miyembro o, mayroong pinagkakakitaan mula sa sariling negosyo o, propoesyon at hindi hihigit sa 65 taong gulang, siya ay still subject to compulsory coverage sa SSS.

Para sa inyong kapakinabangan hinggil sa mga benepisyo at pribilehiyo being administered ng SSS —

https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…

Best regards, Issa Carlos MCAD 🙂

Q: Hi po paano po b kung 1year n po hnd nahulugan n employer yng sss ko po at hnd po ngkakaltas ngyn year paano po b yn..

A: Maaari po kayong magsadya sa aming tanggapan na malapit sa inyong lugar o sa inyong SSS servicing office kung saan may record ang inyong kompanya.

Best regards,
Chef Saroca/ MCAD

Q: Pano po pag may sss number n ko pero walang hulog dahil di hinulogan nung last employer ko.gusto ko po sana huhulagan as voluntary,pano po ang gagawin?

A: Hi Joanna Hope 🙂 Mabuting Araw! Nais po naming ipaalam na ang initial payment ng kontribusyon bilang miyembro ay either covered employee o, self employed member. Ang isang miyembro ay maaari lamang magpatuloy sa boluntaryong pamamaraan kung mayroon nang balidong kontribusyon sa rekord. Ang pagbabayad ng kontribusyon sa unang pagkakataon bilang voluntary member ay hindi po pinapayagan ng SSS.

Para sa inyong kapakinabangan hinggil sa SSS coverage, maaaring tunghayan ang link sa ibaba:

https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Hello Ma’am Flor,

Ano po ba kelangan kung gawin ngayon kung hindi ako pwede magvoluntary sa ngayon,need ko po ba magfill up ng form para self employed?ano po ang requirements na kakailanganin since may number naman na ko.Para po makahulog na ko.Thank you po sa pagsagot ng katanungan ko.God bless po.

A: Hi Ms. Joanna, Mabuting Araw 🙂 nais po naming ipaalam na maaring hulugan ang inyong SSS bilang Self-employed kung:

  1. kayo po ay may pinagkakakitaan o business na ang monthly income ay at least Php1,000.00;
  2. May edad na hindi lalampas ng 👴👵60 years old;
  3. at magsusumite ng 📝 Member Data Change Request form o Personal Data Record (Ref. Office Order 2014-064) kalakip ang mga kaukulang dokumento na matutunghayan sa link na ito: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…

Para sa karagdagang 💡impormasyon, sundan po lamang ang link na ito: https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp…

Best regards,

Chef Saroca/MCAD👦

Q: Bilang ofw na nagbabayad Ng SSS na 550 monthly contribution, magkano magiging pension? Watching from Singapore.

A:  Hi Sarah Jean Sabares 🙂 Mabuting Araw! Ang komputasyon ng buwanang pensyon sa ilalim ng benepisyo sa pagreretiro ay ibinabatay sa mga sumusunod:

1.Bilang at halaga ng kontribusyong naibayad sa SSS;

2.Bilang ng taon na pagiging miyembro ng SSS o, Credited Years of Service (CYS) ;

3.Petsa ng pagreretiro o, date of contingeny;

4.Bilang ng menor de-edad na anak na kwalipikadong tumanggap ng dependent’s pension

Ang halaga ng buwanang pensyon na matatanggap ng retiradong miyembro ay ang pinakamataas sa sumusunod:

  1. the sum of P300 plus 20 percent of the average monthly salary credit plus 2 per cent of the average monthly salary credit for each accredited year of service (CYS) in excess of ten years; or
  2. 40 per cent of the average monthly salary credit; or
  3. P1,200, provided that the credited years of service (CYS) is at least 10 or more but less than 20 or P2,400, if the CYS is 20 or more.

Rest assured that the SSS always applies the method that is more beneficial to the member as well as implement the existing rules and regulations.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sundan ang link sa ibaba:

https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp

Sakaling kayo po ay kasalukuyang nasa ibang bansa, para sa inyong SSS concerns maaari po na mag email sa aming OFW Program Management Dept. sa ofw.relations@sss.gov.ph Ipaalam lamang po ang detalye ng inyong concern , kumpletong pangalan ng miyembro at 10-digit SSS number. Maglakip po ng valid IDs as reference.

Best regards,
Flor Mercado,MCAD

Q: Pwede po ba ako mag verify online ng sss loan at contribution ko? Paano po? Ndito po kasi ako sa Hawaii.

A: Hi Gloria Escaros 🙂 Mabuting Araw! kung kasalukuyang nasa ibang bansa. maaaring matunghayan at madownload ang rekord online. Magrehistro bilang miyembro sa ilalim ng my.SSS link sa SSS website at www.sss.gov.ph

O, para sa inyong SSS concerns maaari po na mag email sa aming OFW Program Management Dept. sa ofw.relations@sss.gov.ph Ipaalam lamang po ang detalye ng inyong concern , kumpletong pangalan ng miyembro at 10-digit SSS number. Maglakip po ng valid IDs as reference.

Itala lamang po sa subject field: Thru Facebook

Best regards,

Flor Mercado,MCAD

Q: Sir/maam kindly give my sss#Mirasol Fontanilla Tacsiat. July 02 1987,because I forgot so that I can pay my contribution.thank u I hope for your help.

A: Hi Lui 🙂Mabuting Araw! Verification of SSS number should be personally made at any SSS office near you. Please bring/present atleast 2 valid ID’s (with photo and signature) for reference.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Wala wenta sss natin halos 2taon na wala pa rin kmi natatangap sa knila about dun sa nireklamo namin na hindi nagbyad ng sss namin na kinakaltas.

AHi Julius Lopera 🙂 Mabuting Araw! Para sa kaukulang beripikasyon ng rekord at assistance, maaaring mag-email sa aming Member Communications and Assistance Department at member_relations@sss.gov.ph. Ipaalam lamang po ang detalye ng inyong concern (type of complaint / date of filing / SSS branch), kumpletong pangalan ng miyembro at 10-digit SSS number. Maglakip po ng acknowledgement stub (proof of filing) / valid IDs as reference.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Bakit ba kc di na pdeng mag advance payment!😒 Buwan-buwan talaga q punta ss para magbayad!😕

A: Hi Wilna Remegio 🙂 Sakaling individually paying member ay maaari po na magbayad ng contributions ng monthly, quarterly o yearly kung nanaisin.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Panu po icheck ang hinulog ng company?

A: Hi Meyann, Mabuting Araw 🙂 maari pong mag-online inquiry sa aming website upang matunghayan ang detalye ng inyong SSS record, sundan po lamang ang mga hakbang sa pagrerehistro online.

https://www.facebook.com/SSSPh/videos/10156044843457868/?hc_location=ufi

Best regards,

Chef Saroca/MCAD👦

Q: Pede na ba ako mag advance ng hulog sa SSS january-march 2019 voluntary?

A: Hi Burn, Mabuting Araw 🙂 nasa inyong pagpapasya kung nais ninyong mag-advance ng inyong contributions. 🙂

Q: good afternoon. baket po hnde updated ang posting ng contribution? pero bayad na.

A: Hi Vivia, Mabuting Araw 🙂 sakaling unposted ang inyong contributions bilang employed member, maari pong makipag-ugnayan sa SSS servicing branch ng inyong kompanya. Dalhin po lamang ang proofs of payment na duly stamped received ng SSS na manggagaling sa inyong employer. Ito ang sya naming magiging batayan sa pagsasaayos at pag-update ng inyong remittances.

Best regards,

Chef Saroca/MCAD👦

Q: magandang araw po mam sir tnong ko lang po my utang ako sa sss loan ko ndi ko n po ntuloy hulugan kc lumipat po ako ng ibang company almost 3 years n po ako sa bgo kong company.pwede po b ikaltas sa contribution ko ung utang ko tjanks po in advance

A: Hi Vin, Mabuting Araw 🙂 ipagpaumanhin po ninyo subalit wala pong offsetting ng contributions para sa loan re-payment. Ang loan ay binabayaran separately.

Best regards,

Chef Saroca/ MCAD

Q: Hi po.. mag ask lang po.. paano po ma retrieve ang sss number.. matagal na po hindi nkkpag hulog.. puede po ba ma retrieve thru representative. Thanks

A: Hi Agie Garcia Macalalad 🙂 Mabuting Araw! Kung sa pagkakataon na nakalimutan/nawala ang inyong SS no., maaari pong sumangguni sa alinmang pinakamalapit na tanggapan ng SSS para sa pagbeberipika nito. Magdala po ng valid Ids as reference. Maaari na sumubok magtalaga ng representative, bigyan po ito ng authorization letter at valid ids, subject for evaluation ng receiving officer.

Best regards,

Flor Mercado/MRD

Q:  Philippine Social Security System thank you po.. isa pa pong tanong. Regarding po sa pamangkin ko. Kumuha po ng sss number sa online.. puede po ba mag hulog na ng contribution as voluntary member.. hindi pa xa employ. Ang work lang nya is online selling pro gusto na mag hulog sa sss

A:  Hi Agie Garcia Macalalad 🙂 Sakaling ang inyong pamangkin ay hindi po namasukan at mayroon pong pinagkakakitaan pansarili ay maaari na magrehistro as self-employed sa pamamagitan ng pagsususmite ng Member Data Change Request Form, subject for evaluation.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q:  Good day po sa inio ask ko lng po kung magkanu ang hulog ng self employed..

A: Hi Bonnie, Mabuting Araw 🙂 ang halaga ng contribution ng isang self-employed member ay ibinabatay sa kanyang monthly income mula sa kanyang pinagkakakitaan o business.

Best regards,

Chef Saroca/ MCAD

Q:  Good day po ask ko lng kelan po kaya mapopost ung bayad ko po khpon balak ko po kc kumuha umid id e ang sabi need dw muna mapost ung bayad pero me resibo naman po. Ako kaka regstr ko palng po kahapon ng try po. Ako mg txt sa me 2600 ung malalamn mgkno n nbbgy contribution. Ng member kso sabi e contribution ko ay zero sa txt pero ngbyd na po ako khpon.. mga kelan po kya mapopost bayad ko para.mkg pa umid id na po ako kgd thnks po Godbless.

A: Hi Rod Cruz 🙂Mabuting Araw! Kinakailangan po na matala ang naging pagbabayad at mayroon pong Date of coverage upang umayon sa pagsusumite ng aplikasyon para sa UMID card.

Para sa inyong kapakinabangan hinggil as SSS coverage, maaaring tunghayan ang link sa ibaba:

https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp…

Best regards,

Flor Mercado,MCAD

Q: Good day po.maam/sir.ask po ako..ksi po nagpamember po ako ng SSS ofw contribution po ako.at 1year ko po ito nabayaran at nahinto hanggang ngayon…at pinas na po ako at wla na balak mag abroad.tanong ko po..pwd po bah ako mka file ng maternity… January 2019 ang Delivery date ko. salamat po

A: Hi Norhan, sakaling kayo po ay manganganak sa buwan ng January 2019 ,kinakailangan pong may atleast 3 valid contributions sa inyong SSS record mula OCT 2017 to SEP 2018 at nakapagsumite ng MAT1 sa aming tanggapan upang makwalipika sa naturang claim.

Best regards,

Chef Saroca/ MCAD

Q:   Paano po angnahinto s trbho kc mgaalga n ng mga ank ko anu po mngyyari s sss ko,mkukuha ko pa ba un?

A: Hi Cory! Mabuting araw po! Intact lamang po ang inyong kontribusyon sa inyong rekord. Kung dati po na employed, maaari pa rin po ninyong ipagpatuloy ang paghuhulog bilang voluntary member. ~She Cua/MCAD.

Q:  Good day, member po ako as self employed, pede ko po ba ako magchange as voluntary?

A: Hi Odette, Mabuting Araw 🙂 sakaling may valid contributions na sa inyong SSS records at sa kasalukuyan ay nais pong ipagpatuloy ang inyong contributions bilang #PHLSSSvoluntary, pinapayuhan po kayo na magsadya sa malapit na SSS Office para sa Payment Refernce Number o maaari din po itong makuha through our online service/ website.

For more information: https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp…

Best regards,

Chef Saroca/MCAD👦

Q: Great day SSS😊 Just want to follow-up at your end regarding our Unposted Contributions for the months of April, May & June 2018 that we paid last May 25, 2018 thru PNB remittance here in Northhills California, USA as Voluntary members. Tinanong ko yong PNB office dito, wala pa daw kayong reply sa kanila regarding this matter.

A: Hi DexterMarj, Mabuting Araw 🙂 upang maberipika namin ang inyong SSS record at actual contributions, for assistance ay maaari po kayong mag-email sa ofw.relations@sss.gov.ph

Best regards,

Chef Saroca/ MCAD

Q: Man sir good eve po,tanong lng po..8months po ako nakapag hulog sa ss,matagal narin po na hindi ako nakakapag hulog.. Paano po process nun pag gusto ko ituloy.

A: Hi Lyka, Mabuting Araw! 🙂 Ang miyembro na hindi employed, may dati ng valid contribution/s, at nais magpatuloy ng hulog bilang Voluntary member, ay maaaring magrehistro muna sa ilalim ng My.SSS link sa SSS website @ www.sss.gov.ph. Kapag rehistrado na, maaari pong iclick ang tab para sa Payment Reference Number o PRN, i-update ang statement of account at i-generate ang inyong PRN. Ito po ang gagamitin sa pagbabayad ng contribution sa mga sumusunod na SSS accredited payment facility—

SSS office with tellering unit /s

Bayad Center

Bank of Commerce

Security Bank Corp.

Asia United Bank

Union Bank of the Phils.

BPI – Employer/Corporate Module

RCBC – Employer/Corporate Module

Pinoy Express – Individual Module with PRN Generation

GCash – Individual, Household ER

Q: Gd pm po sir magtatanung lang po ako tungkol sa aking employer ..paano ko makukuha yong mga blangko sa contribution ko na walang hulog samantala buwan buwan kinakaltasan ako pagdating sa data ng contribution ay hindi kompleto mula 2015 hanggang sa kasalukuyan. Ano po ang aking gagawin para mapunan yong mga kulang

A:  Hi Ludencio, Mabuting Araw 🙂 sakaling ang inyong kompanya ay operational pa sa kasalukuyan, makabubuti na humiling muna ng kaukulang paglilinaw hinggil sa inyong concern.

Samantala, kung inyong nanaisin ay maaaring maghain ng pormal na reklamo sa SSS servicing branch kung saan may records ang inyong employer. Magdala po lamang ng mga katibayan sa pagtratrabaho tulad ng company ID, payslips, certificate of employment, etc.

For rhttp://noonbreakbalita.com/rtc-quezon-city-pasay-city-convict-four-employers-for-non-remittance-of-sss-contributions/eference: https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/viewArticle.jsp…

https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/viewArticle.jsp…

Best regards,

Chef Saroca/MCAD👦

Q: Hello po..nag register po aq s sss..succesfull nmn..kya lng mglog in nko my password na..eh nung nag register po aq wla nmn tanong don kng ano password ng user id ko..need ko kc PRN #..NO PO B TAMANG PAGREGISTER

A: Hi Rafjo! Sakaling na-click na po ang activation link na ipinadala sa inyong email nang kayo ay mag-register, itype lamang po ang inyong isinulat na user id at password sa log-in page ng SSS website. ~She Cua/MCAD.

Q: 2months voluntary contri ko di pa rin na-popost? May and june 2018.

A: Hi Jay Are 🙂Mabuting Araw! Mayroon pong iba’t-ibang dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi naitatala o huli ang pagtatala ng kontribusyon o loan payments sa records ng miyembro. Ito po ay maaaring:

hindi pagbabayad ng employer;

hindi pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo, ng employer;

huling pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo ng employer;

Maling impormasyon sa isinusumiting reports, gaya ng maling SSS number;

Maling halaga ng ibinayad na kontribusyon.

Kung employed at may remittances na hindi nakatala, kayo o ang inyong employer ay maaring makipag-ugnayan ng direkta sa SSS branch na may hurisdiksiyon sa records ng inyong employer. Dalhin po ang kopya ng proofs of payment ng inyong employer at mag-request ng posting nito.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q:  Morning po sss saan po dito ang babayaran ko hundi ko alam pls reply me thanks

A: Sakaling may valid contributions na sa inyong SSS records at sa kasalukuyan ay nais pong ipagpatuloy ang inyong contributions bilang #PHLSSSvoluntary, pinapayuhan po kayo na magsadya sa malapit na SSS Office para sa Payment Refernce Number o maaari din po itong makuha through our online service/ website.

Samantala, kung kayo po ay below 55 years old, maari po kayong magtaas o magbaba ng salary brackets without limit in frequency; kung kayo naman po ay 55 years old and above, kayo ay maari lamang magbaba o magtaas ng salary bracket ng isang beses in a given calendar year (Ref.Office Order No.2014-064).

Q: Good day po bkt wl p txt notif about s contribution q s bayad center po aq nghulog.

A:  Hi Sir/Ma’am Liljhen David 🙂 Mabuting Araw 🙂 Maaari pong maberipika ang rekord gamit ang Text SSS Service. For further reference, maaari pong pakisundan ang imahe sa ibaba.

Note: Charges may apply.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: Hello po Philippine Social Security System Tanong ko lang ilang BUWAN OR DAYS po mg ANTAY na ma reflect ung contribution nmin, WE PAY updated contribution last January to MAY 2018 mag 1month na po hindi namin makita ang contribution when log-in ONLiNe SSS.. PAKI EXPLAIN PO bakit hnd po sya updated.. SALAMAT FYI. I’m OFW

A: Sakaling unposted ang inyong contributions bilang self-employed o voluntary member, maari po kayong makipag-ugnayan sa malapit na SSS Office, kalakip ang inyong proofs of payment na machine validated. Ito ang sya naming magiging batayan sa pagsasaayos at pag-update ng inyong remittances.

Best regards,

Chef Saroca/MCAD👦

Q: Hello po ask ko lng po panu pag kuha ng print out po premium contibution sa sss thanku

A: Hi Ma’am Sally Ferrer Nacario 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling wala pa po kayong online SSS account, maaari pong sumubok mag-register sa aming SSS Website under ng My.SSS link upang matunghayan ang inyong contributions/records thru online.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: goodafternoon po question po kasi ung sss ko po nahulugan na until feb po pero hindi pa posted sa sss site . pero binigay po.sa.akin ng opis namin ung resibo na katunayan na nakalapaghulog sila kasi nagvoluntary napo.ako at hulog naman hanggang march to june paano po ba yon madadagdagan kaya contribution ko?

A: Hi Ma’am Racquel Delacruz Acebedo 🙂 Mayroon pong iba’t-ibang dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi naitatala o huli ang pagtatala ng contribution payments sa records ng miyembro. Ito po ay maaaring:

– hindi pagbabayad ng employer;

– hindi pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo ng employer;

– huling pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo ng employer;

– maling impormasyon sa isinusumiting reports, gaya ng maling SS number;

– maling halaga ng ibinayad na kontribusyon.

Sakaling currently operational pa rin po ang naturang kumpanya at may remittances na hindi nakatala, kayo o ang inyong dating employer ay maaaring makipag-ugnayan nang direkta sa SSS servicing branch na may hurisdiksiyon sa kanilang SSS records. Dalhin po ang kopya ng proofs of payment ng inyong dating employer at mag-request ng posting nito.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: Magandang araw po SSS. Ako po ay voluntary member ng SSS, sa ngayon po ay 550.00 ang mo. contribution ko, gusto ko po sana maghulog ng max. cont na 1760.00 by July po, pede po ba ? Ako po ay 54 yrs old , mag 55 yrs old na po ako ngayon Dec. 2018. Thanks po.

A: Hi Ma’am Leni Ventula Caranay 🙂 Mabuting Araw 🙂 Ang isang miyembrong SE/VM/OFW below 55 years old ay maaaring magpalit ng kanyang MSC nang walang limit sa frequency at sa number of salary brackets sa isang calendar year, subalit ito dapat ay hindi bababa sa prevailing minimum MSC for SE/VM/OFW members (under Circular 2015-007).

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q:  Bakit po kaya delayed ang posting ng aking June contribution, i paid my contribution as voluntary d2 sa bayad center malapit sa amin last June 4,2018, pero nagcheck ako online hindi pa rin cya posted, san po ba may mistake, sa Bayad center or on your part, dati naman it takes only 3 to 1 week posted na online at me text message pa akong narereceive.

A:   HI Ma’am Kris Noriesta Altea 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling naberipika na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin po natatala ang naturang SSS payments, maaari pong sumangguni sa malapit na SSS office. Pakidala po ang validated proof of payment/s at valid IDs (with photo and signature) for reference.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: tanong ko lang po gusto ko kase hulugan sss ko may e1 nako pwde naba ako maghulog sa bayad center gamit ang ss number (e1) sana sagutin nyo p. wala papong hulog sss ko mag voluntary po sana ako salamat.

A:  Hi Sir/Ma’am Aicrag Rafael 🙂 Mabuting Araw 🙂 Ang initial payment ng kontribusyon bilang miyembro ay either covered employee, OFW, Non-working spouse, o self-employed member. Ang isang miyembro ay maaari lamang magpatuloy sa boluntaryong pamamaraan kung mayroon nang valid contribution/s sa rekord. Ang pagbabayad ng kontribusyon sa unang pagkakataon bilang voluntary member ay hindi po pinapayagan ng SSS.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: Ask ko lng po pde po b magreklamo senyo sa sss branch pinakamalapit samin kasi po dati nmen agency Walang hulog ng isang taon ung last 2017 sss po nmen gng ngaun po d pa nila nahuhulugan lagi po sinasabi inaasikaso na ? Maraming salamat po

A: Hi Andrea, Mabuting Araw! 🙂 Kung hindi po tumutupad ang inyong employer sa kanilang obligasyon gaya ng pagreremit ng inyong contribution sa SSS on time, maaari po kayong direktang dumulog sa pinakamalapit na SSS branch at magfile ng formal complaint. Magdala po kayo ng two valid IDs, proof of employment kagaya ng payslips at employment ID.

Best regards,

LielPayuyao-MCAD

Q: Good am po. tanong ko lang magkakaroon ba ako ng penalty kung hndi nahuhulogan ng agency ko ang sss ko.

A:  Hi Asunio Ethan 🙂Mabuting Araw! Sakaling kayo po ay hindi naipagbabayad ng inyong employer ay mababakante po ito sa inyong record na maaaring maging dahilan sa pagka denied ng claim kung ito ang matutukoy na pagbabasihan. Mabuti na isangguni ito sa inyong employer o SSS servicing office.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: magandang araw po ? ask kolang po maaari papo bang dagdagan ang naihulog na sa sss contribution for maternety ? sa mismong buwan din po ng naihulog kona po nakapaghulog napo kase ko balak kolang po sana dagdagan ? salamat po sana masagot po 🙂

A:  Hi Sir/Ma’am Ancheta Romeo 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling tama po ang naibayad at wala pong underpayments ay hindi na po ito maaaring baguhin ang contributions. Maaari pong magbago ng halaga sa susunod na pagbabayad, kung nanaisin.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: magandang araw oo gusto po sanang magtanong kasambahay po ako at sa agency po ako nakuha ng amo ng ko.sila ba ang maghuhulog ng sss ko kasi 3 yrs na ko dto sa amo  ko never pa nila akong nahulugan..age 60 na ako at gusto kung umalis may makukuha na akong pera sa amo ko.

A. Hi Rhemy! Mabuting araw po! Lahat ng Kasambahay na hindi pa hihigit sa 60 taong gulang, para sa inisyal na coverage, at tumatanggap ng buwanang sahod na hindi bababa sa P1,000, ay compulsory covered ng SSS.

Ayong sa “Batas Kasambahay”, kung ang Kasambahay ay kumikita sa isang buwan ng mas mababa sa Php5,000, sasagutin ng kanyang household Employer ang kabuuang kontribusyon sa SSS. Ngunit kung ang Kasambahay ay kumikita ng Php5,000 o higit pa kada buwan, ibabawas sa kanyang sahod ang kaukulang bahagi niya sa kontribusyon sa SSS. Ito ay buwanan din na ibabayad sa SSS ng kanyang Household Employer kasabay ng kanyang kaukulang bahagi sa kontribusyon.

~She Cua/MCAD.

Q: Hello po, please kindly help me po kasi gsto q SNA thru online nlng AQ mgcheck ng contributions ko kso dko mkregister kc nwla ko yun pimcode ng umid card ko pti sa aswa ko.. Gsto ko po SNA magloan kung pwede na ako magloan.check q sNA status.please guide me.salamat po

A: Hi Ma’am Sheryl Gelle Evangelista Maallo 🙂 Mabuting Araw 🙂

For further online assistance, maaari pong mag-email sa onlineserviceassistance@sss.gov.ph gamit ang inyong personal email address. Kindly indicate the following details:

  1. Complete Details of Concern
  2. Complete Name
  3. Contact Number
  4. Active Email Address
  5. 10-digit SS number
  6. Date of Birth
  7. Employment History (company name/s if any)
  8. Attach clear copies of at least two (2) member’s valid IDs (with photo and signature) and error encountered (if any)

Itala po lamang sa subject field: Thru Facebook

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q:  Maiba lang po ako. Dpat pbang mag-attach ng RS25 form pg ngbbyad voluntarily at may PN reference npo?

A: Hi Ma’am Mina Lorca 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sa kasalukuyan, ipinapatupad po ng SSS ang pagbabayad ng contributions sa pamamagitan ng paggamit ng PRN. Kinakailangan po lamang mag-print ng dalawang kopya nito at isumite sa aming accredited payment facilities. Please see reference below.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: Hello po…. pwede paba ipapatuloy ag sss ko? Mga 14yrs na hindi ko nahologan nung 21yrs old aqu nun nghoholog….

A:  Hi Sir/Ma’am Ha-eun Francisco Jo 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling currently nahiwalay na sa pamamasukan at mayroon ng dating valid contributions sa SSS records, maaari pong mag-remit ng contributions bilang isang voluntary member. Gayunpaman, sa kasalukuyan, kinakailangan pong mag-secure ng Payment Reference Number (PRN) na siyang kakailanganin sa pagbabayad ng SSS contributions for covered employer/individually-paying member.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: pano k malalaman un tital contribution k po

A: Hi Julius, Mabuting Araw 🙂 maari pong mag-online inquiry sa aming website upang matunghayan ang detalye ng inyong SSS record, sundan po lamang ang mga hakbang sa pagrerehistro online.

https://www.facebook.com/SSSPh/videos/10156044843457868/?hc_location=ufi

Best regards,

Chef Saroca/MCAD👦

Q: Paano poh ako makakapag hulog sa sss kung ala p akong kht isang hulog

A: Hi Tine Canlas Manalo🙂 Nais po naming ipaalam na ang initial payment ng kontribusyon bilang miyembro ay either covered employee o, self employed member. Ang isang miyembro ay maaari lamang magpatuloy sa boluntaryong pamamaraan kung mayroon nang balidong kontribusyon sa rekord. Ang pagbabayad ng kontribusyon sa unang pagkakataon bilang voluntary member ay hindi po pinapayagan ng SSS.

Para sa inyong kapakinabangan hinggil sa SSS coverage, maaaring tunghayan ang link sa ibaba:

https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp

Best regards,

Flor Mercado,MCAD

Q: Di po ba pwedi naman I taas ko sa maximum ang hulog ko…. dahil ofw po ako, u kaya’y paano po ba process? Kasi pabalik na ako sa qatar this coming august”pero gusto ko pong I taas sa maximum ang hulog ko…. pls advice lang po.

A: Hi Sir Nestor Felias 🙂 Mabuting Araw 🙂 Ang isang miyembrong SE/VM/OFW below 55 years old ay maaaring magpalit ng kanyang MSC nang walang limit sa frequency at sa number of salary brackets sa isang calendar year, subalit ito dapat ay hindi bababa sa prevailing minimum MSC for SE/VM/OFW members (under Circular 2015-007).

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: Pwede po bang mag tanong? Yung papa ko po nag stop nang mag bayad ng contribution nya medyo matagal na po pero gusto ko pong ipagpatuloy ano po bang mga hakbang para jan salamat po sana po masagot po ninyo ito*😊

A: Hi Ma’am Cassanovi Grace 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling currently nahiwalay na sa pamamasukan at mayroon ng dating valid contributions sa SSS records, maaari pong mag-remit ng contributions bilang isang voluntary member.

Gayunpaman, sa kasalukuyan, kinakailangan pong mag-secure ng Payment Reference Number (PRN) na siyang kakailanganin sa pagbabayad ng SSS contributions for covered employer/individually-paying member.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: ask ko lang po bakit di nag aappear sa online ung mga contribution ng company namin. magloan n dapat ako ng june kaso di makaloan gawa nun. sino po ba my problema, company or kayo?

A: Hi Sir Bryan Cuenca 🙂 Mabuting Araw 🙂 Mayroon pong iba’t-ibang dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi naitatala o huli ang pagtatala ng contribution payments sa records ng miyembro. Ito po ay maaaring:

– hindi pagbabayad ng employer;

– hindi pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo ng employer;

– huling pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo ng employer;

– maling impormasyon sa isinusumiting reports, gaya ng maling SS number;

– maling halaga ng ibinayad na kontribusyon.

Sakaling currently employed sa naturang kumpanya at may remittances na hindi nakatala, kayo o ang inyong employer ay maaaring makipag-ugnayan nang direkta sa SSS servicing branch na may hurisdiksiyon sa kanilang SSS records. Dalhin po ang kopya ng proofs of payment ng inyong employer at mag-request ng posting nito.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: Yun po ban CRN nasa umid.pernamente n kung magbabayad ng voluntary contribution.

A: Hi Sir/Ma’am Dnaled Santos Villacarlos 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling ang inyo pong tinutukoy ay ang numero na nakatala sa bagong UMID card, ito po ay ang Common Reference Number (CRN) na kung saan sa oras na ma-update ang system, ito po ang siyang gagamitin sa transaksyon sa sangay ng gobyernong kasapi rito. Gayundin, iminumungkahi po naming pansamantalang gamitin po muna ang 10-digit SS number sa lahat ng transaksyon na may kinalaman sa SSS.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: sabi kapag gamit ang PRN sa pagbabayad SSS monthly contribution ay mag aappear agad yun payment sa online account…bakit yun payment ko ay more than a week na ay wla pa sa online account ko? OFW po ako.

A:  Hi Sir/Ma’am Zihn Dc 🙂 Mabuting Araw 🙂 For further assistance and verification of records, maaari pong magpadala ng email sa ofw.relations@sss.gov.ph.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: good day, if double job ka po, at both companies na pinapasukan mo ay required mag bayad ng sss contri. Ask ko lang po kung puede po ba yung 2 company po yung mag huhulog ng sss contribution same month? Magiging doble po yung payment ng contribution?

A: Hi Ma’am Melanie Cawaling Palce 🙂 Mabuting Araw 🙂 Maaari pong magkaroon ng higit sa isang employer ang isang SSS member. Gayunman, kinakailangan pa rin po siyang i-report at ipagbayad ng contributions ng nasabing mga employer sa SSS.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q:  i just want to ask our contribution is not reflecting in your system…my company saw us the proof that we actually have the contribution,and because of that i am not qualified for having a loan because in your system it shows that i have 3 months contribution which is supposed to be i have 39 months already…..

A: Hi Sir/Ma’am Lian Aliugnas 🙂 Good Day 🙂 For non-posting of contribution payments can be attributed to any of the following:

– Non-submission of collection lists by the employer

– Delayed submission of collection lists by the employer

– Erroneous entries of data in the submitted collection lists, such as wrong SS Number

– Out of bracket payments

In the event that you are currently employed with the said company, you may coordinate with them and ask for proofs of contribution payments/collection lists that they have remitted for you.

Or, you may coordinate with the SSS servicing branch of your company for further assistance. Kindly bring the said proofs of payments.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: Gandang hapon po admin.d po ako marun0ng mag online o c0mputer.maaari ko po bang mag update ng loan payment at contributions naming mag asawa sa malapit na sss branch? Ofw po kami

A: sakaling kayo po ay kasalukuyang OFW member at nais ninyong ma-update ang inyong loan and contributions payment, for assistance ay maaari po kayong mag-email sa ofw.relations@sss.gov.ph 🙂

Q:  Pano po pag stop n sa work at like po na icontinue ang pghuhulog as self employed or voluntary po ano po ang gagawin?

A: Hi Ma Elena, Mabuting Araw 🙂 kung nais pong ipagpatuloy ang inyong contributions bilang #PHLSSSvoluntary, pinapayuhan po kayo na magsadya sa malapit na SSS Office para sa Payment Refernce Number o maaari din po itong makuha through our online service/ website.

For more information: https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp…

Best regards,

Chef Saroca/MCAD👦