Video: SSS Loan Restructuring Program (LRP)
Video 2: SSS Emergency Loan Assistance Program (ELAP)
Source: The videos and FAQs are from the Philippine Social Security System’s Official Facebook Page.
Q: Ilang yrs. po ba pwede makapagloan at mag.kano sa unang loan
A: Mabuting Araw Ynohtna Mark DC Vargas :). Sa ilalim po ng salary loan, ang isang miyembro ay kailangan na aktibong nagreremit ng kontribusyon at nakapaghulog ng at least 36 buwan, kung saan ang anim (6) na kontribusyon ay kailangang nakatala sa loob ng 12 month period bago ang loan filing. ~ Best regards, Issa Carlos MCAD 🙂
Q: Gud morning ask ko lng po kung pde na magloan khit my 3 months pa na balance.tnx po
A: Hi Ma’am Hazel Yodico Demdam 🙂 Mabuting Araw 🙂
Ang renewal ng salary loan ay pinapayagan sa pagkakataong nakapagbayad na ng (1) at least 50% ng orihinal na principal amount at (2) at least 50% ng loan term ay nag-lapsed na (12 months out of 24 months).
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Hello po ! just wanna ask about restructured program sa loan. Was not able to pay the loan for 10 years I think. may condonation pa ba nito and how to avail?
A: Hi Alvin, Mabuting Araw 🙂 Maaari po kayong mag-avail ng LRP kung inyong natugunan ang mga kondisyong itinakda para dito. Sundan lamang ang reference link na nasa ibaba.
https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Good day! What letter do I need to request sa new company ko para sila yung magtuloy ng deductions sa sss loan ko? Para hindi makaltas sa backpay ko yung sss loan ko from my previous company. Please kindly assist. Thank you!
A: Hi Arah,
Mabuting Araw! 🙂 Kung ang member-borrower ay boluntaryo man o hindi na nahiwalay sa trabaho, kailangang ibawas ng employer ang kabuuang halaga ng loan balance ng miyembro mula sa anumang benepisyo na kanyang makukuha at ibayad ito ng buo sa SSS. Kung hindi sapat ang benepisyo na matatanggap ng empleyado para mabayaran ng buo ang kanyang loan, kailangang i-paalam ng employer sa SSS ang petsa ng kanyang pagkakahiwalay sa kumpanya pati na ang halaga ng hindi nabayarang utang.
Q: Good day mam/ sir.. ask q lng po sana ung tungkol sa salary loan q may 31 pa po aq ng file.. until now wala padin po pakisagot nmn po ng maayos sabe 5 to 10 days lng ang process bakit inaabot na ng 1 month san q po ba 2 pwede i follow up?
A: Hi Nathanz,
Mabuting Araw! 🙂 Maaari po kayong magpadala ng email sa member_relations@sss.gov.ph kasama ang inyong ss number, complete name, 2 valid IDs at letter of authority for further assistance.
Best regards,
LielPayuyao-MCAD
Q: hi sss,,, ask q lng po mgreresign n kz aq s work q bale buntis po aq due date q n kz s sept. tnong q lng maaapektuhan b ang maternity benefits q kz my exist loan p aq n d q n mbbyran kz po mgreresign n nga aq,,,bale mg 1yr. n dn ung kaltas ng employer q s loan q bale 1yr. p po ang nid q hulugan… just in case manganak n aq gusto q sna byaran ung loan balance q s sss pra d n lumaki interest pero stop po muna aq s contribution ,ok lng po b un??? thanks..😇
A:Hi Assej! Mabuting araw po! Maaari po na patuloy na bayaran ang salary loan kahit hindi na nakakapaghulog ng kontribusyon bilang employed member. ~She Cua/MCAD.
Q: I wonder what I need to do so your team can process my request on time. You see I made payment on Sept 2017 for loan and your team processed it on the old loan that have been paids years ago. It took your team 5 months to processed the payment on the correct loan. Since your team processed it incorrectly I am now inccuring INTEREST. And up to this date the interest still cont to grows. And i should not bear the cost of the mistake done by your team. And you see i have several email correspondence to your team but they always reply that they will solve it but up to now no action. So tell me what do i need to so your team do what is right.
A: Hi Ms. Anne, Mabuting Araw 🙂 for us to view the details of your SSS loan record and to give you an appropriate answer and assistance, please email us at member_relations@sss.gov.ph, just indicate your complete name, SSS number, date of birth and the details of your concern. Once emailed, kindly inform us immediately. 🙂
Q: Ask ko lang kung kelan po ung dating ng loan ko, nag loan po ako true online po..approve na po sya ng employer kelan po kaya darating sa employer ko kasi nung nag fallow up po ako sa sss branch ehh naka cheke na raw po..
A: Hi Park, Mabuting Araw 🙂 ang processing po ng salary loan ay bumibilang ng 5 to 10 working days, mula sa filing ng inyong aplikasyon sa aming tanggapan hanggang sa pagkakaloob ng inyong loan check. 🙂
Q: Ask lang po, Paano makapag avail ng 2nd loan? Full paid na po si first loan. Last March 2018 nakapag first loan. 6k lang naman. Kailan pwede mag 2nd loan? Pwede na ba? As long as fully paid na yung first loan?
A: Mabuting Araw! ^_^maaari magloan renewal kung inyong matugunan ang mga sumusunod na kondisyon:
Proceeds of renewal loan is any amount greater than or equal to zero as long as the outstanding balance on the previous loan is deducted.
Para sa beripikasyon ng inyong SSS records, Maaari rin tumawag ☎ anumang oras (24 hrs) sa aming Call Center Hotline sa 920-6446 to 55 at 1-800-10-2255777 Toll Free anumang oras mula Lunes hanggang Biyernes.
Best Regards,
-George Tuba/MCAD👨
Q: Ask ko lang po kung ilang months bago mkapagloan sa sss?
A: Hi Myra Dela Cruz 🙂 Mabuting Araw! Upang umayon sa pautang sa sahod, ang isang miyembro ay kailangan na aktibong nagbabayad ng kontribusyon bilang empleyado, self-employed o voluntary member at nakapaghulog ng hindi kukulangin sa 36/72 buwang hulog, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon.
Sakaling matugunan maaari na magsumite ng pinunan na Member Loan Application at magprisenta ng valid Ids as reference.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: San po pede magbayad ng LRP bukod sa sss branches
A: Hi 🙂 Mabuting Araw! Maaari po na magsagawa ng pagbabayad sa Bayad Center. Itaqla lamang po na ito ay para sa LRP
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: How to avail condonation?
A: Hi Raymund Freeman 🙂 Mabuting Araw! A member may avail (LRP) if :
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: good pm hindi parin ba thru atm ang salary loan?
A: Hi Ronald Garcia Fernando 🙂 Mabuting Araw! Sa kasalukuyan po ay maaari mag pa-activate sa UnionBank UMID – ATM Card. Ito po ay isang alternatibong paraan upang matanggap ang ibat-ibang uri ng benepisyo at pribelehiyo kabilang ang salary loan, maternity at sickness kasama din ang lumpsum at monthly disability at retirement benefit. Ito po ay upang matanggap ng mga miyembro ang kaniloang benepisyo at loan sa pamamagitan ng Unionbank and Bancnet ATMs nationwide at VISA for international transactions. Ang mga tanggapan na mayroon pong UnionBank kiosk ay ang mga sumusunod:
Diliman,Manila (Ermita),Makati ( Gil Puyat), Cebu,Davao, Baguio
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hi! Salary loan was approved on june 22. How long does it usually take before I get the check? Back in 2016 kasi, it only took 4 business days then na claim ko na agad sa acct dept ung check. Thanks!
A: Hi Lilyana Samonte 🙂 Mabuting Araw! Ang processing time for Loan Application ay 5 to 10 working days (from filing to check generation).Excluding mailing of check which falls under the jurisdition of PHILPOST.
Sakaling hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatanggap ang inyong salary check.Para sa beripikasyon maaari na mag email po sa aming Member Communications and Assistance Department at member_relations@sss.gov.ph Ilagay ang inyong complete name, SSS number, date of check, check number for reference at screenshot ng inyong request para sa pagbeberipika kung saan ay nakatala ang inyong pangalan at signature.
O,maaari din po kayong tumawag sa aming Hotlines 920-64-46 up to 55 at 1-800-10-2255777 toll free or 917-7777.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Paano po kng my 1yr na po hndi nkabyad ng loan, my mkuha pa po ba if ever my mangyari at mkapension pa po,from Riyadh
A: Hi Cheng 🙂 Mabuting Araw! Sa pagkakataon po na hindi mabayaran ang loan ay patuloy po ito na magkakaroon ng karagdagang interest/penalty. Gayundin, ang buong halagang inutang kasama ang naipong interes kung mayroon, ay babawas sa halaga ng benepisyo sa pagkamatay, lubusang pagkabalda o pagreretiro na makukuha ng miyembro.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: ask ko lang po if narerefund ang sss sa overpayment sa mga previous loans? wala na po kasi ako current loan na mapag ooffestan ng overpayment…
A: Hi Melanie Clemente Lim 🙂 Mabuting Araw! Sakaling naberipika na mayroon po kayong salary loan overpayment ay maaari po na mag request ng adjustment sa malapit na SSS office sa inyong lugar. Dalhin ang proof of payment as reference.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Until now Wala parin nakukuha loan refund ko.
A: Hi Jumar Ignes 🙂 Mabuting Araw! Sa pagkakataon na may pagkaantala sa proseso ng inyong request maaaring humiling ng kaukulang assistance o paglilinaw sa Supervisor o Branch head ng SSS servicing office kung saan nagsumite at tinanggap ito.
O, maaaring mag-email sa aming Member Communications and Assistance Department at member_relations@sss.gov.ph. Ipaalam lamang po ang detalye ng inyong concern (type of request / date of filing / SSS branch), kumpletong pangalan ng miyembro at 10-digit SSS number. Maglakip po ng acknowledgement stub (proof of filing) / valid IDs as reference.
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: Sir nag bayad po ako ng amisty noong 2012 ng nag pa uodate mo ako ala po masok na naibayad ko pa po ang gagawin neil p hanopol.
A: Hi Neil, Mabuting Araw 🙂 sakaling kayo ay nagbayad ng inyong loan subalit ito ay hindi naipost, batay sa inyong naibigay na komento. Upang kayo po ay mabigyan ng kaukulang assistance ay maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming opisina na malapit po sa inyong lugar. Dalhin lamang po ang inyong mag proof of payment na syang gagamiting batayan sa pagsasaayos ng inyong record.
Q: Gud pm poh may pass loan ako mga 3 years n nakalipas pwd k b ipa opset un o pwd mag loan ako ulit tapus bawas n lng ung remaining balance ng dati kng kulang.
A: Hi Aztec, Mabuting Araw 🙂 maari po kayong makapag-renew ng salary loan sa oras na kayo ay mayroong 50% na naibayad sa dati ninyong utang at 50% na rin po ito ng amortization period, aktibong nagbabayad ng kontribusyon at may latest 6 months posted sa inyong SSS records bago ang inyong loan application.
Best regards,
Chef Saroca/MCAD
Q: Gud pm po tatanong kopo sana kung pwede po ako makapagloan ngresign npo kc ako dun sa dati ko pinapasukan pero ngaaply po ako sa ibang company..,anu po ba pwede ko gawin?salamat po reynold marilao bulacan…
A: Hi Dlonyer Dabus🙂 Mabuting Araw! Upang umayon sa pautang sa sahod, ang isang miyembro ay kailangan na aktibong nagbabayad ng kontribusyon bilang empleyado, self-employed o voluntary member at nakapaghulog ng hindi kukulangin sa 36/72 buwang hulog, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon.
Sakaling kasalukuyang employed sa bagong employer ay kinakailangan na kayo po ay kanila ng naireport sa SSS para sa kanilang pagcertify ng inyong aplikasyon.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: good afternoon po! for release na po ang cheke ko for Salary loan kaso po nung dineliver ay wala po ako sa bahay. sabi nung nagdedeliver at babalik sya kinabukasan or the next day kaso po one week na po di pa po sya bumabalik. ano po kaya ang nararapat na gawin? salamat po.
A: Hi Annie 🙂Mabuting Araw! Maaari po na sumangguni sa inyong Post office para sa kaukulang impormasyon kaugnay sa kanilang ipinadalang salary loan check.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Ask ko lng po ng file asawa ko ng loan ngayon kelan po makukuha ang loan nya.
A: Hi Joy Bernas Cordova 🙂 Mabuting Araw! Ang processing time for Loan Application ay 5 to 10 working days (from filing to check generation).Excluding mailing of check which falls under the jurisdition of PHILPOST.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Gd morning maam/sir, pano po ba ako makaloan d mo kac pepermahan ng employer ko yong form kac tinakbuhan daw cla ng mga empleyado nla dati na nag loan at cla raw ang nakabayad..ano po dapat ko gawin para makaloan po ako..at ano po ang proseso at mga kailangan para pakapagloan naman ako.. Salamat at more power…wait po ako sa reply nyo..
A: Hi MarsNars, Mabuting Araw, sakaling kayo po ay kasalukuyang employed member, nasa pagpapasya po ng inyong employer kung kayo ay kanilang papayagan o hindi sa pag-a-apply ng salary loan.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Good Day po… ask ko lang po bakit po kaya d pa po ako mkpag renew ng salary loan eh nka one year n po ako nung february 2018?
A: Hi Wendy, Mabuting Araw 🙂 upang amin pong maberipika ang inyong SSS record, maaari po kayong tumawag sa aming Call Center Hotlines 920-64-46 up to 55 or 917-7777.
Best regards,
Chef Saroca/MCAD
Q: Good day po, tanong lng po paid na po ako sa loan ko, gusto ko po sana mag loan ulit para matapus na bahay ko pinagawa, magkano po pwdeng ma e loan ko, mahal na kc materialist. Salamat po.
A: Hi Garde! Mabuting araw po! Maaari po na mag-renew ng salary loan ang miyembro na may existing na utang kung nakapagbayad na ng 50% ng orihinal na prinsipal ng pautang at nakalipas na ang unang taon o 50% ng term. ~She Cua/MCAD.
Q: hi sss admin, ask ko lang po bat po yung payment ko s loan ko napunta po sa dati ko pong loan n bayad na po? ndi po sya nabawas yung binayad ko..
A: Hi Herby, Mabuting Araw 🙂 sakaling may pagkakamali sa posting ng inyong loan payment, upang ito ay maisaayos, maaari po kayong mag request for loan adjustment sa aming tanggapan na malapit sa inyong lugar. Kung employed, maaring makipag-ugnayan sa inyong employer hinggil sa inyong concern upang kayo ay mabigyan ng kaukulang assistance. 🙂
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Hi po ask k po paano kung my matagal n utang s ss s tagal ng nd nbbayaran
A: Hi Beth 🙂 Mabuting Araw! Ang pautang sa sahod ay pinapatawan ng ten percent (10%) interest per annum based on diminishing principal balance. Ito ay isasama sa buwanang amortisasyon sa loob ng 24 na buwan. Kung ang utang ay hindi ganap na mabayaran sa katapusan ng termino, ang 10% interest ay patuloy na sisingilin sa natitirang balanse ng prinsipal hanggang sa ito ay ganap na mabayaran.
Gayundin, ang amortisasyon na hindi naremita sa takdang panahon ay papatawan ng 1% penalty kada buwan hanggang sa ito ay mabayaran ng buo.
Samantala, sa kasalukuyan po ay mayroong ongoing na LRP hanggang October 1,2018.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Question po pano po mabayaran ng buo yung utang ko sa sss dahil sa salary loan ko last 2015, para makapag loan ule ako TIA 🙂
A: Hi Evo, Mabuting Araw 🙂 sakaling nais bayaran ang inyong loan obligations, maari po kayong magbayad sa alinmang SSS Offices na malapit sa inyong lugar. Mag fill up po ng Member Loan Payment Return kalakip ang halaga ng inyong babayaran.
Para sa form, sundan po lamang ang link na ito: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Gayunpaman, ang Loan SOA at ang inyong monthly amortization ay maaring matunghayan sa aming website.
Best regards,
Chef Saroca/MCAD👦
Q: pwede po b mgpaverify sa inyo.kung nahuhulugan ung loan nmin..
A : Hi Ma’am Ghe-Anne Caguicla Musa 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling wala pa po kayong online SSS account, maaari pong sumubok mag-register sa aming SSS Website under ng My.SSS link upang matunghayan ang inyong loan obligation status/records thru online.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Kahit ho ba unemplyoed sa ngayon puede pa ring mag avail ng loan condonation. Thanks
A: Hi Ma’am Cecille Dela Cruz 🙂 Mabuting Araw 🙂 Maaari pong sumubok mag-file ng aplikasyon para sa SSS LRP sakaling natugunan po ang qualifications dito, subject for evaluation based on existing guidelines.
For further reference:
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Ask Lang po pwd na po ba maka Loan lampas na po nang 3yrs hulog sss ko kaso d sya continues putol2x ang hulog hangang umabot nang 3yrs
A: Hi Sir/Ma’am Cagbas Glens 🙂 Mabuting Araw 🙂 Para po sa salary loan application, kailangan matugunan ng isang miyembro ang mga sumusunod:
Sa pagkakataon na nahiwalay sa trabaho, ang isang miyembro ay kailangang aktibo pa ring naghuhulog ng kontribusyon at natugunan ang mga nabanggit na kondisyon.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Maiibalik pb ung sumubrang bayad sa restructuring .ano po ang dpat gwin .tnx
A: Hi Lorlyn Visaya Bautista 🙂 Mabuting Araw! Sakaling naberipika na mayroon pong naging overpayment under LRP. Maaari po na sumangguni sa malapit na SSS office sa inyong lugar para sa assistance.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Ask ko lang po if pede na ako ulet magloan pero may remaining balance pa ako sa first loan ko na 4k nalang po?
A: Hi Kim, Mabuting Araw 🙂 maari po kayong makapag-renew ng salary loan sa oras na kayo ay mayroong 50% na naibayad sa dati ninyong utang at 50% na rin po ito ng amortization period, aktibong nagbabayad ng kontribusyon at may latest 6 months posted sa inyong SSS records bago ang inyong loan application.
Best regards,
Chef Saroca/MCAD
Q: Pwede n po b q mgloan..2months employed plang po aq sa bago kong trabaho pero complete na po ung contribution q..bale first loan q plang po kung sakali.tnx
A: Hi Melissa Mojica 🙂Mabuting Araw! Sakaling nakapaghulog nakapaghulog ng hindi kukulangin sa 36/72 buwang hulog, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon ay maaari po na sumubok, subject for certification ng inyong kasalukuyang employer.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: may loan restructuring po ako ma’am/sir.. nafully paid ko nung november.. pero last february nagkarun ng balanace na 20 pesos. nagpunta ako agad sa SSS la union para tanungn kung bakit nagkarun pa ng balance eh nabayaran ko na lahat nung november 2017.. pinabayaran nalang sakin kasi nagkamali yung counter sa binagay sakin na loan balance..so nagbayad ako ng 25pesos.sinubrahan ko pa. para mapost na at wla ng balanse pa. last june 2018 hindi pa naalis yung balanse ko na 20 pesos . eh last february nagbayad ulit ako.pinafill-up ako ng form para daw irequest sa main ofis na ipapost yung bayad ko. this month nagcehck ako.. mas lumaki pa yung balanse naging 27pesos na.. antgal tagal na di pa rin magawang maipost yung bayad ko na 25pesos.. anu ba dapat na gawin.. ilang buwan na.. sana masasagot
A: Hi Elmer, Mabuting Araw 🙂 upang maberipika namin ang inyong loan record, makabubuti pong mag-email sa member_relations@sss.gov.ph Banggitin lamang po ang detalye ng inyong concern ang ang inyong impormasyon.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: kaso wala kyong action nung hindi binabayaran nang employer ang deducted na smin na salary loan kya nagyun 70k binabayaran ko sa inyo ..kaslanan ko ba yun?sino ngayun ang hahabulin ko 20yrs nang sarado employer ko..dapat inotice nyo sila mga semi annual na hindi dila nagbabayad…malupit kyo..patay na laki pa utang..
A: Hi Monching, Mabuting Araw 🙂 amin pong ipinababatid na responsibilidad ng miyembro na i-monitor at i-update ang kanyang SSS record, contributions and loans payment. sa pagkakataon na may hindi na i-remit na contributions o hindi nabayaran na loans, ito ay kinakailangang ipaalam sa aming opisina upang ang miymebro ay mabigyan ng kaukulang assistance. For more info, sundan po ang reference image na nasa ibaba.
Q: Mali po naiisue na amount sa generated cheque for the salary loan. Pls fix your system.
A: Hi AsHeng, Mabuting Araw 🙂 upang maberipika namin ang inyong SSS record, maaari po kayong mag-email sa member_relations@sss.gov.ph banggitin po ang inyong complete name, SSS number, date of birth employment record at ang detalye ng inyong SSS concern. Please do attach the screenshot of your valid IDs for reference.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD \
Q: Philippine Social Security System ofw po aq landbased – nag co contribute po aq as individual payee regular monthly (no local agency; working in a foreign employer abroad) – Question: pede po ba aq avail Salary Loan?
A: Hi Jan Adian Fernando 🙂 Mabuting Araw! Ang isang miyembro ay maaaring umayon sa pautang sa sahod, sakaling nakapaghulog ng hindi kukulangin sa 36/72 buwang hulog, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon.Samantala, na ang miyembro na mayroong at least 36 monthly premiums is qualified to avail of a one-month salary loan, while for a two-month salary loan, a member should have at least 72 monthly contributions. Ang isang buwang salary loan is equivalent to the average of the member’s latest 12 monthly salary credits posted while, a two-month salary loan is equivalent to twice the average of the member’s latest 12 monthly salary credits posted
Kung natugunan ang mga kondisyong nabanggit, ang isang OFW member ay maaaring magsumite ng loan application online. Siguraduhin lamang po na ang address na nakatala sa my.SSS account ay updated.
Gayundin, kung sa pagkakataon na ito ay maaprubahan, ang cash encashment ng tseke ay nasa pangangasiwa ng bangko kung ito ay papayagan.
Para sa impormasyon at beripikasyon ng inyong records maaari na mag email po sa aming OFW Program Management Dept. sa ofw.relations@sss.gov.ph
Itala lamang po sa subject field: Thru Facebook
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: I have a 1st salary loan and I paid a monthly amortization of 438.00 the first payment was posted on my online account but my second payment was not posted with a ref.# ?H00041502430100. Please help me settle this.
A: Hi Dustin 🙂 Mabuting Araw! If with unposted salary loan payment. You may coordinate with the nearest SSS office in your area. bring proof of payment as reference. Or if employed , you may coordinate with youe employer.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hi. May loan po ang asawa ko one year ng nababayadan, pwede po kaya magrenew kahit my balance pa, o pwede po ba bayadan na ung natitira balance para mkpag loan ulit.
A: Hi Clarisa Custodio Aguilar 🙂 Mabuting Araw ! Ang renewal po ng loan ay papayagan pagkatapos mabayaran ang at least 50% ng original principal amount at pagkatapos ng at least 50% ng term ng loan,aktibong nagbabayad ng kontribusyon / loan balance bilang empleyado, self-employed o voluntary member at nakapaghulog ng hindi kukulangin sa 36/72 buwang hulog, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon.
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: Can i do one time payment sa loan?
A: Hi Meei Lxmn 🙂Mabuting Araw! The loan shall be payable within two (2) years in 24 monthly installments. You may pay your salary loan amortization in advance or loan amortization not remitted on due date shall bear a penalty of 1% per month until the loan is fully paid.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Question po, may ceiling amount po ba ang sss loan?
A: Hi Jin 🙂 Mabuting Araw! Sa kasalukuyan po ay 16,000.00 ang pinakamataas na MSC sa SSS. Ang miyembro na mayroong at least 36 monthly premiums is qualified to avail of a one-month salary loan, while for a two-month salary loan, a member should have at least 72 monthly contributions. Ang isang buwang salary loan is equivalent to the average of the member’s latest 12 monthly salary credits posted while, a two-month salary loan is equivalent to twice the average of the member’s latest 12 monthly salary credits posted. Kung nasa maximum MSC at qualified for two-month salary loan ay 32,000.00 ang maaari po na ma-avail na loan.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Kailangan po ba ng Sss I’d pag nagsalary loan?
A: Hi Sheila May Francisco 🙂 Mabuting Araw! Kinakailangan po ng pag pipresenta ng valid Ids para sa isususmiteng aplikasyon sa salary loan. maaari po na sundan ang larawan sa ibaba para sa inyong kapakinabangan.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Panu po yung loan reconstructuring?
A: Hi Jessica Navarra Estinor :)Mabuting Araw! Ang mga kwalipikasyon para sa bagong LRP ay ang mga sumusunod:
Lahat ng mga member-borrowers na may Calamity Loan o SLERP at iba pang short-term loans na may past due ng hindi bababa sa anim (6) na buwan sa simula ng unang araw ng restructuring period ay kwalipikadong mag-apply. Ang mga short-term loans na sakop ng LRP ay Salary Loan, Emergency Loan, Educational Loan (old), Study Now Pay Later Plan, Voc-Tech Loans, Y2K Loans and Investments Incentive Loan.
Maaaring personal na magsubmit ng Loan Restructuring Application Form sa mga SSS branches o through an authorize representative kalakip ang kanyang Letter of Authority (LOA) at at least 2 valid Ids.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: may condonation b ngaung taon,2018?
A: Hi Dodie Garsulao 🙂 Mabuting Araw! Sa kasalukuyan po ay mayron na ongoing LRP hanggang October 1, 2018.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hello po.dito po aqo saudi now.gusto ko lng sana malaman magkano pa utang ko?
A: Hi Jenifer Cambalon Subaldo 🙂 Mabuting Araw! kung kasalukuyang nasa ibang bansa. maaaring matunghayan at madownload ang rekord online. Magrehistro bilang miyembro sa ilalim ng my.SSS link sa SSS website at www.sss.gov.ph
O, para sa inyong SSS concerns maaari po na mag email sa aming OFW Program Management Dept. sa ofw.relations@sss.gov.ph Ipaalam lamang po ang detalye ng inyong concern , kumpletong pangalan ng miyembro at 10-digit SSS number. Maglakip po ng valid IDs as reference.
Itala lamang po sa subject field: Thru Facebook
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: Makakapagloan pb aku ng salary loan maski wla na aku employer.If bale aku na lng mismo ang maghuhulog. Reps po tnx….
A: Hi Arman Tulagan 🙂Mabuting Araw! Sakaling individually paying member, upang umayon sa pautang sa sahod, ang isang miyembro ay kailangan na aktibong nagbabayad ng kontribusyon bilang empleyado, self-employed o voluntary member at nakapaghulog ng hindi kukulangin sa 36/72 buwang hulog, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Ask ko lang po yung posting ng loan sa website kulang ang nakapost sa sss loan ko ang sabi naman ng accounting namin ay nakapagbayad naman daw sila at biniggyan ako ng proof
A: Hi Ienar Agnus 🙂Mabuting Araw! Mayroon pong iba’t-ibang dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi naitatala o huli ang pagtatala ng kontribusyon o loan payments sa records ng miyembro. Ito po ay maaaring:
hindi pagbabayad ng employer;
hindi pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo, ng employer;
huling pagsusumite ng reports o collection lists kasama ang resibo ng employer;
Maling impormasyon sa isinusumiting reports, gaya ng maling SSS number;
Maling halaga ng ibinayad na kontribusyon.
Kung employed at may remittances na hindi nakatala, kayo o ang inyong employer ay maaring makipag-ugnayan ng direkta sa SSS branch na may hurisdiksiyon sa records ng inyong employer. Dalhin po ang kopya ng proofs of payment ng inyong employer at mag-request ng posting nito.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: hello po! Paano po malalaman kung gaano pa katagal maghuhulog ng loan? yung compute ko po kasi 22mos. lng dapat. Sabi sa SSS branch, 2 years daw po.
A: Hi Fatriz Burgos Abela 🙂 Mabuting Araw! Ang pautang sa sahod ay dapat mabayaran ng buo sa loob ng dalawang (2) taon o sa loob ng 24 na magkakaparehang buwanang amortisasyon.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hi, would like to know how to get Tracking number for my SSS loan cheque which is filed through SSS website. Dalawang beses na daw pumunta sa office yung messenger but d nya ako naabutan so hindi nya iniwan lng ang cheque sa office. I did not receive any text informing me that the cheque will be delivered, even though my online contact information in the site is updated. I want to track my cheque and get info when will they deliver it again sa office.
A: Hi Sir/Ma’am Rojelou Manuales 🙂 Mabuting Araw 🙂 For further assistance and verification of records, maaari pong mag-email ✉ sa Member Communications and Assistance Department at member_relations@sss.gov.ph. Banggitin lamang po ang kumpletong detalye ng inyong request/concern, contact details, complete name and 10-digit SS number for reference. Maglakip po lamang ng clear copy/ies ng inyong SSS ID (if any) o valid IDs (with photo & signature). Itala lamang po sa subject field: Thru Facebook Check Dispo
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Ma’am Pwedi po mag inquiry Mag Kano Ho ba Ang matatanggap in first loan sa sss.
A: Hi Faith Given Grace 🙂 Mabuting Araw! Upang umayon sa pautang sa sahod, ang isang miyembro ay kailangan na aktibong nagbabayad ng kontribusyon bilang empleyado, self-employed o voluntary member at nakapaghulog ng hindi kukulangin sa 36/72 buwang hulog, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon.
Samantala,nais po naming ipaalam na ang miyembro na mayroong at least 36 monthly premiums is qualified to avail of a one-month salary loan, while for a two-month salary loan, a member should have at least 72 monthly contributions. Ang isang buwang salary loan is equivalent to the average of the member’s latest 12 monthly salary credits posted while, a two-month salary loan is equivalent to twice the average of the member’s latest 12 monthly salary credits posted
Para po sa inyong kapakinabangan hinggil sa guidelines ng salary loan granting, maaari pong sundan ang link sa ibaba:
https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp…
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: Hi SSS Good afternoon, this is the scenario si employee ay nagpadeclare ng loan nya sa current employer nya pero yung previous employer niya ang nagcertify ng loan. After ilang months nagresigned si employee, the question is idededuct pa din ba ni current employer sa final pay ni employee yung remaining balance kahit hindi siya si current employer ang nagcertify? Thank you.
A: Hi Sir/Ma’am Selc HR 🙂 Mabuting Araw 🙂
For further reference, maaari pong pakisundan ang imahe sa ibaba.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Gud eves po..tanong ko lng po sana about sa sss ng asawa ko..nahinto po xa sa paghuhulog ng isang taon tpos simula nung january 2018 po xa ulit nahulogan ang sss nya, ask ko lng po if ilang months na succesive po ang hulog upang makapg loan po xa sa sss nya??
A: Hi Ma’am Athens Indita Penados 🙂 Mabuting Araw 🙂 Para po sa salary loan application, kailangan matugunan ng isang miyembro ang mga sumusunod:
Sa pagkakataon na nahiwalay sa trabaho, ang isang miyembro ay kailangang aktibo pa ring naghuhulog ng kontribusyon at natugunan ang mga nabanggit na kondisyon.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Good day po:!!Tanong ko lang kung pwede ba akong magloan sa sss tpos ibawas nalang ung dating utang ko sa loan,,Kasi Hanggang ngyn maghuhulog parin ako sa sss.
A: Hi Sir/Ma’am Redgie Ayhon 🙂 Mabuting Araw 🙂 Ang renewal ng loan ay papayagan pagkatapos mabayaran ang at least 50% ng original principal amount at pagkatapos ng and least 50% ng term ng loan; at nakapaghulog ng hindi kukulangin sa 36/72 buwang hulog, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Kulang ung pangalan ko sa SSS loan ko due to system limitation niyo. Tas nd ko maencash kasi kailangan ko pa kumuha ng certification. Wala bang ibang madaling way. Or ayusin ung limitation. Hassle eh. Employed ako.
A: Hi Sir Mark Christopher Sira Tierra 🙂 For further assistance, maaari pong sumangguni sa malapit na SSS branch upang magpa-certify ng naturang truncated SSS salary loan check ay “one and the same person”. Magdala po ng at least two valid IDs (with photo and signature) or SSS UMID card bilang basehan sa pagkakakilanlan.
Q: Isang buwan mahigit bago dumating loan tapos pagdating e mali pangalan? Ang gagaling nyo mga lintik kayo.
A: Hi Sir Buboy Hamid 🙂 Mabuting Araw 🙂 Ang pagpapadala po ng salary loan check ay nasa pangangasiwa na po ng Philpost. Samantala, sa pagkakataon po na mayroong maling pagtatala ng pangalan sa inyong salary loan check, maaari po na sumangguni sa SSS office kung saan nagsumite nito para sa kaukulang payo/assistance kaugnay dito.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Hi po kanino,po,ba pede mag tanong kung hindi na bayaran ang lrp sa takdang oras may penalty po ba
A: Hi Jredn 🙂 Mabuting Araw! Mayroon po na 0.5% penalty para sa amortisasyon na hindi mababayaran sa takdang panahon under Loan Restructuring Program (LRP).
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Tanong ko lang po kung pwede na ako mag loan uli kasi fully paid na po ako sa loan re-structure ko. Thanks po
A: Hi Sir Boy D. Dinglasan 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling nag-avail ng SSS Loan Restructuring Program (LRP), ang member-borrower ay maaaring maka-avail muli ng short-term loan program ng SSS after six (6) months from the date of full payment ng restructured loan.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: ask ko lang po…kapag po delay ang cheke ng sss na na issue s employee ng salary loan ako po ang magbabayad ng penalty sa inyo dahil delay ang cheke ng sss….
A: Hi Sir/Ma’am Janizh Fuertes 🙂 Mabuting Araw 🙂 Ang pagpapadala po ng salary loan check ay nasa pangangasiwa na po ng Philpost. Samantala, ang unang pagbabayad ng loan amortization ay magsisimula sa 2nd month following the date of loan. Sakaling hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa po natatanggap ang check, maaari pong magpadala ng email ang miyembro sa sa Member Communications and Assistance Department at member_relations@sss.gov.ph. Pakilagay po lamang ang mga sumusunod:
written letter of request for verification (indicating the member’s 10-digit SS number, complete name, date of birth, complete details of request/concern, and member’s signature), at mag-attach po ng clear copies ng member’s valid IDs (with photo and signature) for reference.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Cno po nakakaalam if nkpagapply ka ng loan condonation program sa sss at nafullpayment mo na ung interest ok nba ung wala k ng loan balance thank help me
A: Hi Ms. Elvira, Mabuting Araw 🙂sakaling nais makita ang list ng inyong binayaran under LRP, kung inyong nanaisin ay maaari po ayong magrequest nito sa aming tanggapan na malapit sa inyong lugar o mag-email sa member_relations@sss.gov.ph
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: pano po kapag ndi na nagwowork?tapos tuloy pa din ang bayad sa sss monthly?pwede na ba magloan?
A: Mabuting Araw Renee 🙂. Sa pagkakataon na hiwalay sa trabaho at hindi namamasukan sa kasalukuyan, ang isang miyembro ay kailangang aktibo pa rin na naghuhulog ng kontribusyon sa boluntaryong pamamaraan at nakapaghulog ng hindi kukulangin sa 36 buwang hulog, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon. ~ Best regards, Issa Carlos MCAD 🙂
Q: Gandang araw po,nagbabayad napo ako ng utang ko nung jan2016 pa hanggang ngayon,pwede po ba akong sumali sa recontructing program ,pra mapadali yung pagbabayad ko ,kc nung mag file ako ng pensyon ko dec.april nagkaroon ng condonation program ,hindi ko naayos,ngayon po kya pwede pa?
A: Hi Ms. Ningning, Mabuting Araw 🙂 sakaling ang inyong tinutukoy ay ang Loan Restructuring Program, maaari po kayong ma-avail nito kung inyong natugunan ang mga kondisyon at mga kwalipikasyong itinakda para dito.
https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD