Video: SSS Annual Confirmation of Pensioners (ACOP)
Source: The videos and FAQs are from the Philippine Social Security System’s Official Facebook Page.
Q: Pag Po ba na complete na Yong hulog na 10 years pwede na mag stop Ng pag huhulog..
A: Hi Sir/Ma’am Bang Mag Ambong 🙂 Mabuting Araw 🙂Sakaling ang inyo pong tinutukoy ay ang SSS Retirement Benefit, ang 120 months valid contribution ay basehan lamang upang umayon sa buwanang pension sakaling 60 taong gulang na nahiwalay sa trabaho o 65 taong gulang may trabaho o wala.
Samantala, maaaring magpatuloy ang miyembro sa paghuhulog ng kontribusyon kung nanaisin, to qualify to other benefits (such as sickness, maternity) and loan privileges of the system.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Ask qlang po mag kano po pag retired kn hulog qpo 550 month mag kano po pencion
A: Hi Ma’am Mercy Diaz 🙂 Mabuting Araw 🙂
Sakaling ang inyo pong tinutukoy ay ang SSS Retirement Benefit, ang komputasyon ng buwanang pensyon sa ilalim ng benepisyo sa pagreretiro ay ibinabatay sa mga sumusunod:
For further reference:
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Good am SSS, kelan po kaya madadagdagan ang pension ng mga pensioner n below 5,ooo ang pension?
A: Mabuting Araw Rolly 🙂. Sakaling ang tinutukoy na concern ay ang additional na 1k, ang SSS ay wala pong advisory kaugnay nito sa kasalukuyan. Gayunman, maaari pong sundan ang link sa ibaba para sa inyong kapakinabangan at karagdagang impormasyon —
Best regards, Issa Carlos MCAD 🙂
Q: Mgud am po ask q lang king magkno aabutin ng lansam ng 3yrs ung nhulugan ng nanay q
A: HI Shine, sakaling ang inyong tinutukoy ay ang retirement lumpsum, kung nanaisin ng miymebro ay maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming tanggapan upang maberipika ang kanyang record at mabigyan na rin ng kaukulang assistance hinggil sa kanyang request. For more info: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: good am sir mam. What age ba sa mga Bata mawala sa pesion list Ng nanay.or tatay..
A: Hi Dinah 🙂 Mabuting Araw! Ang dependent’s pension ay matitigil kapag ang bata ay umabot na ng 21 taong gulang, nag-asawa, nagkatrabaho o mamatay.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Sa july 5 mag 2months n walang pension father q kc naka itf kc cya.
A: Hi Raymond 🙂 Mabuting Araw! Sakaling ang tinutukoy ay ang pagkaantala sa processing ng claim ng inyong father thru ITF maaari po na humiling ng paglilinaw sa SSS office kung saan nagsumite ng aplikasyon.
Best regards,
Florn Mercado/MCAD
Q: Bilang off na nagbabayad Ng SSS na 550 monthly contribution, magkano magiging pension? Watching from Singapore.
A: Hi Sarah Jean Sabares 🙂 Mabuting Araw! Ang komputasyon ng buwanang pensyon sa ilalim ng benepisyo sa pagreretiro ay ibinabatay sa mga sumusunod:
1.Bilang at halaga ng kontribusyong naibayad sa SSS;
2.Bilang ng taon na pagiging miyembro ng SSS o, Credited Years of Service (CYS) ;
3.Petsa ng pagreretiro o, date of contingeny;
4.Bilang ng menor de-edad na anak na kwalipikadong tumanggap ng dependent’s pension
Ang halaga ng buwanang pensyon na matatanggap ng retiradong miyembro ay ang pinakamataas sa sumusunod:
Rest assured that the SSS always applies the method that is more beneficial to the member as well as implement the existing rules and regulations.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sundan ang link sa ibaba:
https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp
Sakaling kayo po ay kasalukuyang nasa ibang bansa, para sa inyong SSS concerns maaari po na mag email sa aming OFW Program Management Dept. sa ofw.relations@sss.gov.ph Ipaalam lamang po ang detalye ng inyong concern , kumpletong pangalan ng miyembro at 10-digit SSS number. Maglakip po ng valid IDs as reference.
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: Sana ibigay nyo na ang p1k balance increase….mahirap talaga para sa mga pensioner na ito lang ang inaasahan. Mahal lahat lalo na gamot, wala naman subsidy mula sa ibang ahensya ng gobyerno!
A: Hi Baylon, Mabuting Araw! 🙂 Sa ngayon po ay hindi pa po opisyal na inaaprubahan ng pangulo ang dagdag benepisyo para sa mga pensioners pagkatapos maibigay ang unang dagdag noong Enero 2017. Sakali man na maipatupad ito ay agad na ipapaalam sa pamamagitan ng media at sa mga branches.
Best regards,
LielPayuyao-MCAD
Q: May tanong Lang ako wala na bang acop sa mag pensioners
A: Hi Andrea, Mabuting Araw 🙂 sakaling kayo ay retiree pensioner na kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas, kayo ay hindi na required na magsumite ng ACOP sa aming tanggapan o sa inyong depository bank.
For more info, sundan lamang po ang reference link na nasa ibaba. https://www.facebook.com/notes/philippine-social-security-system/sss-sa-mga-retiradong-pensyonado-sa-bansa-di-na-kailangan-ng-taunang-kumpirmasyo/10156170691094801/
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Good day po pag namatay po ba ang isang sss pensioner matatransfer po ba ang pension sa asawa kahit sss pensioner na din ito.
A: Hi Gloria, Mabuting Araw :)sakaling miyembro ng SSS ang namayapang pensioner, maaring maitransfer sa kanyang surviving dependents ang kanyang benepisyo under death benefit, subject to evaluation based on the existing guidelines.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: ask ko lng po yung father ko ksi 60 yrs old na pero di umabot sa required na contribution ang hulog nya para mag pension anu kaya mas maigi nya gawin ?
A: Hi Ms. AnNa, Mabuting Araw 🙂 sakaling ang miymebro ay may kakayahan pang ituloy ang kanyang contributions, ito ay mainam at makabubuti, subalit kung wala na, maaari po niyang subukang magsumite ng claim upoplication under Retirement Lumpsum.
For more info: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Ilang years bago maforfiet ang pension na pwede maclaim pag namatay na ang member?
A: Hi Fje, Mabuting Araw 🙂 sakaling ang inyong tinutukoy ay ang detah benefit, kung ito ay initial applicaiton, maaari po kayong magsumite ng inyong aplikasyon anytime as long na natunan ng miymebro ang mga kondisyong itinakda at maisusumite sa aming opisina ang mga requirements na kailangan.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Sss gud am po,puede po bng mag apply ng loans ang sss pensioner?hanggang magkano po at ilang buwan ang pagbabayad?
A: Hi Ms. Marilou, Mabuting Araw 🙂 sa kasalukuyan ay wala pa pong Pension loan na ipinagkakaloob ng SSS para sa mga miymebro nito. Sakali man pong magkaroon ng update hinggil dito ay agad po namin itong ipaaalam sa aming mga miyembro.
Best regards,
Chef saroca/ MCAD
Q: gud pm po paano po b un 2months n po akong di nkkahulog.s aking lrp kc npakalaki po ng ipinahuhulog skin 1,4oo etc monthly s nngaun po wlang trabaho ung ng bi2gay skin ng pnghulog pwede po b kuhanin ko n lng pera ko s sss at ikaltas nlng utang ko senior citizen n po ako.
A: Hi Rhodora, Mabuting Araw 🙂 sakaling kayo po ay may approved LRP at sa kasalukuyan ay nais mag apply ng retirement lumpsum, upang kayo ay mabigyan ng kaukulang assistance at paglilinaw hinggil sa inyong concern, kung inyong nanaisin ay maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming tanggapan na malapit po sa inyong lugar.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Pwd po ba pag nag retired na lump sum nalang kuhain ang pera sa sss at hnd na pension?
A: Hi 윤젤, Mabuting Araw 🙂 ang retirement lumpsum ay maaari lamang maipagkaloob sa miymebrong edad 60 pataas na hindi natugunan ang 120 contributions at sa kasalukuyan ay wala nang kakayahan pang ipagpatuloy ang kanyang SSS contributions.
For more info: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Q: Good afternoon po ma’am/sir, Ask ko lang death survivor pensioners po kami ng anak ko.gusto ko lang po malaman kung ano ang proseso ng unang matatanggap mula sa pensyon at kailan po mag uumpisa ang buwanang pensyon namin?January 2018 po namatay ang husband ko.maraming salamat po sa tutugon.
A: Hi Agnes 🙂Mabuting Araw! Sa pagkakataon po namayapa ang inyong asawa ay maaari po na magsumite ng aplikasyon para sa death benefit. May dalawang uri ng benepisyo sa pagkamatay. Ang mga ito ay:
Ang buwanang pensiyon ay ibinibigay lamang sa mga pangunahing benepisyaryong miyembrong namatay na nakapagbayad ng 36 na buwanang kontribusyon bago ang semestre ng pagkamatay.
Ang lump sum ay halagang ipinagkakaloob sa mga pangunahing benepisyaryo ng miyembrong namatay na hindi umabot sa 36 na buwanang kontribusyon ang naibayad bago ang semestre ng pagkamatay.
Para sa assistance ay maaari po na sumangguni sa malapit na SSS office sa inyong lugar.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Good day, ask ko lang po kung matitigil or tuloy tuloy pa rin po yung pagbibigay nyo sa pension ng papa ko kahit di po namin nakukuha thru atm, pang 3rd month na po namin today. Need daw po papalitan yung atm card, kaya lang po nasa abroad po si mama, ako lang po ang may hawak sa atm card, pinuntahan na po ng mama ko sa ibang bansa yung pnb bank pero di daw po pumayag na dun asikasuhin tapos ippdala nalang sa pnb dto, e kakarenew lang po ni mama ng contract nya sa work nya. Paano po ba ang gagawin? Maiipon po ba yung pension? Thank you po.
A: Hi Danna Louise Besagre 🙂 Mabuting Araw! Sakaling ang dahilin ng hindi pagtanggap ng pension ay dahil sa kasalukuyang inilulunsad ng mga bangko na pagapapalit ng card with EMV chips. Ito po ay na sa kanilang hurisdiksyon at alituntunin na sinusunod. Maaari po na direktang isangguni ito sa inyong depository bank.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hi po bakit di parin dumadating yung pension namin? Ty.
A: Hi Marlon 🙂Mabuting Araw! Para sa beripikasyon maaari po na sumangguni sa malapit na SSS office sa inyong lugar. O, maaaring tumawag anumang oras (24 hrs) sa aming Inter-active Voice Response System (IVRS) at 917-7777 o, Call Center Hotlines at 920-6446 to 55 at 1-800-10-2255777 Toll-Free mula Lunes hanggang Biyernes.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Gud pm.. paano po kung namatayan na sss member na hindi niya na I correct ang date of birth year niya.. pina aaga kasi niya ang taon ng kanyang kapanganakan. May chance pa po bang mag ka pensiob ang kanyang mga naiwang anak at asawa
Thank you po
A: Hi Cecilie 🙂Mabuting Araw! Kinakailangan po na ang mga dokumento na isusumite ay tutugma sa record na nakatala sa SSS. Maaari po na humiling ng payo/paglilinaw sa malapit na SSS office sa inyong lugar.
Samantala, may dalawang uri ng benepisyo sa pagkamatay. Ang mga ito ay:
Ang buwanang pensiyon ay ibinibigay lamang sa mga pangunahing benepisyaryong miyembrong namatay na nakapagbayad ng 36 na buwanang kontribusyon bago ang semestre ng pagkamatay.
Ang lump sum ay halagang ipinagkakaloob sa mga pangunahing benepisyaryo ng miyembrong namatay na hindi umabot sa 36 na buwanang kontribusyon ang naibayad bago ang semestre ng pagkamatay.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: paano po yung proseso sa mga pensioner ng sss na nakatira na sa abroad regarding po sa ACOP? para hindi napo sila uuwi yearly para sa ACOP. thank you po.
A: Hi Augusto Soon 🙂 Mabuting Araw! Kung kasalukuyang nasa ibang bansa , maaari siya na magsumite sa aming Foreign representative office, Or mail it to :
The Branch Head
SSS Diliman Branch,East Avenue
Diliman, Quezon City,Philippines 1100
O, maaaring magpadala ng email -send scanned copies of all documents . Gayundin, ang annual confirmation of Pensioner (ACOP) through video conference ay kasalukuyang available . Para sa karagdagang impormasyon, maaari na mag email sa ofw.relations@sss.gov.ph
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: Ang tatay ko po ay mag 88 na this July 7… mag aacop pa po ba sya .. Sa ngayon po kasi sya ay may sakit.. at di nya kayang pumunta sa SSS… ano po ba pwd kong gawin… SaLamat po
A: Hi Adonna 🙂Mabuting Araw! Sakaling 88 taong gulang na at wala na pong kkayanan na sumangguni sa SSS ay maaari po na ipaalam ito thru a representative at ang SSS po ay magsasagawa ng pagbisita. Maaari po na sundan ang larawan sa ibaba.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: PLEASE RESPECT HI HELLO ASK KO LANG PO IF MAKUKUHA PO BA YUNG PENSION EXACTLY 45 DAYS?
A: Hi Eunice Aj San Pedro 🙂 Mabuting Araw! Sa kasalukuyan ang processing time ng retirement claim ay umaabot ng 10-30 working days sakaling walang karagdagang dokumento o hakbangin ang kakailanganin. Gayundin, sa pagkakataon po na maaprubahan ay mayroon pong kaukalang bilang ng araw para sa withdrawal date ng pension.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: good day po,ask lang po paano po if ung pensi0ner e ptay na pepensy0n p rn po b m0nthly o kelangan po agd ireport sa sSs,pano nMan po kung d naireport sa sSs tpos m0nthly e npensy0n anu po mangyayari?tnx po. .
A: Hi Leah 🙂Mabuting Araw! Sakaling ang pensioner ay namayapa ay mabuti na ipagbigay alam po ito sa SSS para sa impormasyon at aksyon.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Anu po ba mga requirements kapag mag aayos ng pension.. 61 yrs old na po ang tatay q… Mali po pla ung middle name ng tatay q sa marriage contract nila ng nanay ko kc imbes n reyes eh naging reyse.. paanu po kaya mababago un?
A: Hi Sharlene 🙂Mabuting Araw! Sakaling mayroon pong maling impormasyon na nakatala sa record ng SSS ay maaari po na magsagawa ng pagsasaayos sa pamamagitan ng Member Data Change Request Form. Sakaling ang pagkakamali sa dokumento, maaari po na sumangguni sa concerned agency na siyang nangangasiwa dito.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hi po bakit di parin dumadating yung pension namin? Ty.
A: Hi Marlon 🙂Mabuting Araw! Para sa beripikasyon maaari po na sumangguni sa malapit na SSS office sa inyong lugar. O, maaaring tumawag anumang oras (24 hrs) sa aming Inter-active Voice Response System (IVRS) at 917-7777 o, Call Center Hotlines at 920-6446 to 55 at 1-800-10-2255777 Toll-Free mula Lunes hanggang Biyernes.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hello po paano po kung yung mother ko eh di n kyang magtrabaho dahil s matanda n sya pero my utang p sya s sss pwede po ba syang makakuha ng benifits?
A: Hi Marissa Samson, Mabutiung Araw 🙂 sakaling may exisiting loan ang miymebro, ang halaga nito ay maaaring ibawas sa kanyang magiging benepisyo, if qualified.
Q: Good day po..mother ko po kc retired na at nag pepension na din po siya from your good office..ask ko lng po, may sickness benefit pa po ba siya na matatanggap kasi naoperahan po siya sa kidney..tinanggalan po ng kidney stones. Thank you for your response po..Godbless 😊
A: Hi Tinikz! Mabuting araw po! Kung tumatanggap na po ng final benefit claim (Total permanent disability, retirement, death benefit), hindi na po maaaring mag-claim pa ng iba pang benepisyo sa SSS. ~She Cua/MCAD.
Q: Hi sss admin may ask lngnpo ako pensioner n po ko snce last yr ng lumpsum po ako and hngang these mnth of june tpos n nag update po ako sa bnk pnb kso nag close daw po yun accnt ko so mag strt n po ko mnthly pension nxt mnth nu po yung gwin pra maactivate uli thankyou po…
A: Hi Dorie, Mabuting Araw 🙂 sakaling ang inyong Savings Account/ ATM ay nag closed/ deactivated, mainam na makipag-ugnayan muna sa inyong depository bank upang kayo ay mabigyan ng kaukulang assistance. Samantala, kung may magbabago man sa inyong saving account info, mainam na ito ay ipaalam din sa aming tanggapan.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD
Q: Ano po computation kapag 130 months lang nahulog then magfile po ng retirement pention?? Monthly contribution po 1000…
A: Hi Landro Branzuela Camposo 🙂 Mabuting Araw! ang komputasyon ng buwanang pensyon sa ilalim ng benepisyo sa pagreretiro ay ibinabatay sa mga sumusunod:
1.Bilang at halaga ng kontribusyong naibayad sa SSS;
2.Bilang ng taon na pagiging miyembro ng SSS o, Credited Years of Service (CYS) ;
3.Petsa ng pagreretiro o, date of contingeny;
4.Bilang ng menor de-edad na anak na kwalipikadong tumanggap ng dependent’s pension
Ang halaga ng buwanang pensyon na matatanggap ng retiradong miyembro ay ang pinakamataas sa sumusunod:
Rest assured that the SSS always applies the method that is more beneficial to the member as well as implement the existing rules and regulations.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sundan ang link sa ibaba:
https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: Ang tatay ko po ay mag 88 na this July 7… mag aacop pa po ba sya .. Sa ngayon po kasi sya ay may sakit.. at di nya kayang pumunta sa SSS… ano po ba pwd kong gawin… SaLamat po
A: Hi Adonna 🙂Mabuting Araw! Sakaling 88 taong gulang na at wala na pong kkayanan na sumangguni sa SSS ay maaari po na ipaalam ito thru a representative at ang SSS po ay magsasagawa ng pagbisita. Maaari po na sundan ang larawan sa ibaba.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: My tanung po ako po ay isang PWd pano po ako bka avail ng disability n pension .ano mga requirments para mkapension salamat
A: Hi Jemme 🙂Mabuting Araw! Ang miyembrong nagtamo ng permanenteng kapansanan sa katawan, lubusan man o hindi, ay maaaring magsumite ng aplikasyon para benepisyo sa pagkabalda, subject for evaluation. Maaaring sundan ang larawan sa ibaba Samantala, maaari po na hilingan ng karagdagan dokumento na maaaring makita na kailanganin sa pagpoproseso o ebalwasyon ng aplikasyon.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hi, wala pa rin po yung pension ng mom ko, emailed twice , no reply.
A: Hi Ma’am Jaimee Ignacio-Mates 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling nakapagpadala na po kayo ng email, maaari po ba naming malaman ang mga sumusunod (for follow-up purposes).
Sa oras na ito ay aming makuha, amin po kayong i-a-advise na paki-delete ang inyong pinost na personal information for security purposes.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Good am.Ang mama ko po ay na stroke nung isang bwan,at since march hindi napo nya nawiwidraw yung pension nya.kailangan po namin ng tulong kasi hirap napo magsali at makalakad ang mama ko.4 months napong hindi ma claim yung pension nya ,humihingi po kami ng tulong.salamat
A: Hi Urbanozo Ivy 🙂Mabuting Araw! Sakaling ang pagtanggap ng penion ay thru ATM ay maari po na sumubok na isagawa ang pagwiwithdraw na may kapahintulutan ng miyembro. O, maaari na isangguni ito a depository bank o kung tuluyan na mawawalan ng kakayahan ang miyembro ay maaari po na mag- apply for guardianship. Sumangguni po lamang sa malapit na SSS office sa inyong lugar.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Ask ko lang kung di na ba pwde mag ACOP sa bank branch…ang sabi kasi ng bangko sa mismo SSS branch na daw dapat magpa ACOP? Bale po father ko ang pensioner pro patay na po sya so ang mother ko po ang successor…93 na po ang mother ko hindi na po nya kaya magpunta sa sss branch… Thanks
A: Hi Ma’am Cristina Marie Elumba 🙂 Ang pagtanggap po ng compliance ng ACOP sa bangko ay ayon sa alituntunin na kanilang ipinatutupad. Sakaling ang pensioner ay wala ng kakayanang magsumite nito nang personal, maaari na sumubok magtalaga ng representative. Magdala po ang representative ng duly accomplished na ACOP form, authorization letter, pensioner at representative’s valid IDs (with photo and signature) for reference. Gayundin, ipaalam rin po ang naturang concern sa aming receiving officer para sa kanilang kaukulang aksyon.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Bayad na po ako sa lahat ng obligation ko sa SL ko bayad na po at yung 16 months na kulang ko para makompleto ko ang 120 months tapos na rin po sa bayarin ko pero hindi pa rin po ako pinapaapply ng pasay-roxas branch ng retirement ko as April 2019 pa daw ako pede mg apply o mg claim ng retirement ko 64 years old na po ako, bakit po ganun paki reply nmn po SSS. Salamat
A: Hi Sir/Ma’am Marcelo Breva Macasinag 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling hindi pa sasapat ang kontribusyon ng concerned member upang maging kwalipikado sa buwanang pension para sa SSS Retirement Benefit, maaari pong magbayad sa boluntaryong pamamaraan, kung nanaisin. Kaugnay po nito, maaari pong sumubok mag-file ng retirement benefit application after ng isang semestre matapos maitala ang ika-120th month contribution ng miyembro.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Pwd po ba makuha yung 1yr na pension ng tatay q, kc edad nya talaga 60 pero ginawang 59 palang ng sss wala LNG kc makuha birth certificate sa city hall ng probinsya nmin kc lahat ata ng files wala na sa city hall ng nueva ecija
A: Hi Sir Teddy Gapal 🙂Mabuting Araw 🙂 Sakaling ang inyo pong tinutukoy ay ang SSS Retirement Benefit, ang pagpoproseso nito ay ayon sa nakatalagang guidelines at requirements nito. Dumadaan po ang mga isinusumiteng dokumento sa kaukulang beripikasyon at kumpirmasyon base sa records ng miyembro upang matiyak na nasa ayos ito at matatanggap ng miyembro/benepisyaryo ang nararapat at wastong benepisyo. Samantala, maaari pong mag-update ng member data sa pamamagitan ng pagsusumite ng Member Data Change Request Form sa malapit na SSS office kalakip ang mga kaukulang 📝dokumento.
For further reference:
https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: ask ko lang po kung ang isang SENIOR po na hinde naghulog ng SSS CONTRIBUTION or hinde sya SSS MEMBER may possibility po ba na mag karoon or makatanggap ng SSS PENSION? 😊 thanks po sa sagot😊
A: Hi Ma’am Mely A. Alquiza 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling ang inyo pong tinutukoy ay ang SSS Retirement Benefit, ang isang miyembro na 60 taong gulang na nahiwalay sa trabaho o 65 taong gulang may trabaho o wala ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa benepisyo sa pagreretiro. Ang mga uri ng pagbabayad para sa benepisyo sa pagreretiro ay:
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Good day, Social Security System (SSS)! I need you assistance regarding my father’s monthly SSS pension. My father is receiving a monthly pension every Twelfth (12th) day of the month directly deposited in his Bank Account. However, this month of June 2018, my father has not been received yet his monthly pension, no amount deposited in his Bank Account. SSS call center and other hotline numbers is useless. Every time I call, the line is always busy; I can get through with it. I already wasted my one whole day trying to get through.
Please let me know the reason of possible discontinuance of my father’s monthly pension
Thank you for your valuable cooperation.
A: Hi Ma’am Jackylyn Rose Barbasa 🙂 May we inform that to date, SSS has no delay in releasing pension. In the event that the member/pensioner have not received their pension yet, they may coordinate with the OIC of their depository bank for assistance and ask for member/pensioner’s Statement of Account (SOA). Also, kindly delete your posted personal information (SS number) for security purposes.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: ngayong buwan ang birthday ko, tama ba na di ko na kailangan kumuha ng ACOP sa bangko kung saan ako tumatanggap ng retirement benefit pension ko?
A: Hi Sir Michael Liao 🙂 Ayon po sa guidelines, sa kasalukuyan, hindi na po kinakailangang mag-ACOP ang isang member/pensioner na tumatanggap ng SSS Retirement Benefit na kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: gandang gabi po. gusto ko sana e- lump sum ang hulog ko. pwede kaya. at ilan months/ years ang qualified para makapag lump sum. at ano ang mga requirements para makapag lump sum.
A: Hi Josephine! Hi , Mabuting araw po! Ang miyembro ay kuwalipikado sa benepisyo ng pagreretiro kung:
Ang lump sum amount ay ipinagkakaloob sa miyembro na hindi nakapagtala ng 120 buwan na kontribusyon.
Best Regards,
She Cua
Q: can a sss pensioner apply for a loan?
A: Hi Boy 🙂 Mabuting Araw! A Member who is receiving a final claim in SSS is no longer eligible for salary loan.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Sir tanung lang po kung ilang months pwede magritero sabi 120 months daw. Halimbawa lumagpas ng 121 pataas pwede ba ito malansum paano po.
A: Hi Ludencio Pardeno🙂 Mabuting Araw! Nais naming ipaalam na ang 120 months valid contribution ay basehan lamang upang umayon sa buwanang pension sakaling 60 taong gulang na nahiwalay sa trabaho o 65 taong gulang may trabaho o wala . Samantala,maaaring magpatuloy ang miyembro sa paghuhulog ng kontribusyon kung nanaisin, to qualify to other benefits (such as sickness, maternity) and loan privileges of the system. Samantala, ang halaga ng pensyon sa ilalim nito ay ibinabatay sa mga sumusunod:
1.Bilang at halaga ng kontribusyong naibayad sa SSS;
2.Bilang ng taon na pagiging miyembro ng SSS o, Credited Years of Service (CYS) ;
3.Petsa ng pagreretiro o, date of contingeny;
4.Bilang ng menor de-edad na anak na kwalipikadong tumanggap ng dependent’s pension
Ang halaga ng buwanang pensyon na matatanggap ng retiradong miyembro ay ang pinakamataas sa sumusunod:
Rest assured that the SSS always applies the method that is more beneficial to the member as well as implement the existing rules and regulations.
Para sa inyong kapakinabangan hinggil sa mga benepisyo ng SSS, maaaring sundan ang link sa ibaba:
http://www.youtube.com/watch?v=QVOIaB_xh8k
https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp…
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: hello po…ask q lng po qng panu po aq mka ACOP…dto po aq s taiwan..paturo nmn po qng panu…
A: Hi Don Rich 🙂Mabuting Araw! kung kasalukuyang nasa ibang bansa maaaring magpadala ng email -send scanned copies of all documents . Gayundin, ang annual confirmation of Pensioner (ACOP) through video conference ay kasalukuyang available . Para sa karagdagang impormasyon, maaari na mag email sa ofw.relations@sss.gov.ph
Best regards,
Flor Mercado,MCAD
Q: Ask ko lang need ba magpa ACOP ang pensioner
A: Hi Ma Theresa Bangoy 🙂 Mabuting Araw! Para sa inyong kapakinabangan maaari pong sundan ang link sa ibaba:
https://www.facebook.com/SSSPh/posts/10156737659197868
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: SSS KAILAN ANG NEXT 1000 ADDITIONAL NG SENIOR CITIZENS? Pension
A: Hi Aim Edna Escobar🙂 Mabuting Araw! Para sa inyong kapakinabangan, maaari po na sundan ang link sa ibaba.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Hi po ask ko lng po sna yng case nang pension nang papa ko.dati po nakakatanggap po xia nang 3,800 a month,then nagdagdag po nang 1k last year nang benefits ang sss then another 1k this year yet nakakatanggap lng ang papa ko nang 5k a month ngaun..nagreport na po xia sa sss san fernando pampanga branch at sabi po sa papa ko yun lng daw po tlga ang nakaencode sa system.bkit po kulng nang 800 pesos ang monthly pension nia?saan pb dpat magreport or humingi nang tulong.thank you po sa magiging tugon ninyo.
A: Hi Ma’am Lhiz Medenilla 🙂 Mabuting Araw 🙂 Para po sa inyong kapakinabangan sa approved P1,000 additional benefit, maaari po lamang pakitingnan ang link sa ibaba.
Samantala, for further assistance and verification of records, maaari pong payuhan ang inyong ama na sumangguni sa malapit na SSS office upang humiling ng klaripikasyon kaugnay sa nasabing concern.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Magtatanong lang po, Nandito po ako sa ibang bansa Hindi makuha na anak ko yong survivor pension ko po kasi kailangan na daw po palitan ng may chips yong aking ATM kaso narito Nanak po ako sa ibang bansa sa 2020 pa po ako makakapag balik bayan ano po kaya gagagawin ko kasi pang allowance po yon ng mga bata na nag aaral sana po matulongan ninyo ako thank you po
A: Hi Ma’am Isabel Robinion Estacio 🙂 Mabuting Araw 🙂 Base po sa aming naging naunang tugon po sa inyo, sakaling currently overseas, for further assistance, maaari pong mag-email sa ofw.relations@sss.gov.ph. Ilagay po ang member’s complete name, 10-digit SS number, contact details at kumpletong detalye ng request/concern. Maglakip po ng clear copy/ies ng member’s SSS ID (if any) o valid IDs (with photo and signature) at pensioner’s (with photo and signature) for reference. Itala lamang po sa subject field: Thru Facebook
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: ano po kaya requirements pag magretire,nka120 contributions na po at nung una ay employed at nagpa change status naging self employed,
A: Hi Geraldine 🙂Mabuting Araw! Maaari po na sundan ang impormasyon/larawan sa ibaba para sa inyong kapakinabangan.
* Other supporting documents may be requested by SSS depending on the evaluation of the claim.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Good day SSS just want to know about the retirement computation..aside of 60 yrs old.Thank you.
A: Hi Nessa P. Loq 🙂Mabuting Araw! The monthly pension depends on the member’s paid contributions, his credited years of service (CYS), and the number of his dependent minor children that must not exceed five. The monthly pension will be the highest amount resulting from either one of these three pension formulae:
1.the sum of P300 plus 20 percent of the average monthly salary credit plus two percent of the average monthly salary credit for each credited year of service (CYS) in excess of ten years; or
2.forty (40) percent of the average monthly salary credit; or
3.P1,200, if the CYS is at least 10 but less than 20; or P2,400, if the CYS is 20 or more.
Rest assured that the SSS always applies the method that is more beneficial to the member as well as implement the existing rules and regulations.
Best regards,
Flor Mercado/MCAD
Q: Magandang araw po. Is there a way of knowing kung ang aming monthly pension at annual bonus or increase ay pumapasok sa aming acccount sa PNB? Nakatira kami sa Chicago; we regularly submit our ACOP in California. Maraming salamat po.
A: Hi Ma’am Pina T. Vidad 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sakaling kasalukuyang naninirahan o nasa ibang bansa at mayroon pong concerns/inquiries, for further assistance, maaari pong magpadala ng email sa ofw.relations@sss.gov.ph.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Tanong kolang po 60 napo ako kayang nagbabayad po ako ng Rc kasi po may utang ako nuon kaya nag file ako ng amnesty ang naging utang konalang 9,600 pwedepo na pokaya akong mag file ng retierment tapos kaltas nalang yung tirs ss utang ko sa lamsam mahigit 1 yearna akong nagbabayad sa lamat po Pilar P Napod.
A: Hi Ma’am Perla Napod 🙂 Mabuting Araw 🙂 For further assistance and verification of records, maaari pong sumangguni sa malapit na SSS office upang humiling ng payo kaugnay sa nasabing concern.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: God day po ma’am, sir ask kolng po kung pwde pong maAlis ang pension ng asawa ng tito ko kasi po ngaun po may iba napo siyang kinakasama at buntis narin po siya sana po matulongan u po ako kami sa case na ito..
A: Hi Ma’am Analyn Cuchapin Sadoh 🙂 Mabuting Araw 🙂 Nais po naming ipaalam na mayroong kaukulang evaluation at beripikasyon na isinasagawa sa records ng miyembro kaugnay sa pagbabago ng halagang tinatanggap na SSS pension.
Para sa impormasyon at assistance tungkol sa inyong concern, makabubuti po na magsadya sa malapit na SSS office. Dalhin ang SS ID/number ng member at inyong valid IDs (with photo and signature) for reference.
Best Regards,
Jho Macaranas / MCAD
Q: Philippine Social Security System sss ng namatay na tatay ko po sir/mam…lump sum na lang po ang kinukuha nmin sir/mam at ung burial nya yung kabet po ang nakaclaim hindi naman po cla nag pa annul ng mama ko po… Naunang kinasal ang mama ko po kesa dun sa kabet. Kaya nga po nung pinakuha po aq ng marriage advisory kumuha po aq sa PSA kaso pagbalik ko kinabukasan ni hindi man lang tinignan nung staff nyo po. Eh sya po yung nagpakuha dun para daw po makita sino unang kinasal… Since then hindi na aq bumalik kasi nawalan na po kami ng pag asa… Pabalik2 nlng po kc na puro requirements.
A: Hi Angel, Mabuting Araw 🙂 nais po naming ipabatid na ang SSS ay may sinusunod na order of priority para sa mga beneficiaries ng isang miyembro:
1.Pangunahing benepisyaryo – legal dependent na asawa at menor de edad na anak na lehitimo, pinalehitimo, ligal na ampon at ilehitimo, kung wala
2.Pangalawang benipisyaryo – mga magulang ng namatay na miyembro, kung wala
3.Ang sinumang nakatala sa rekord ng miyembro (E1/E4),
4.Legal heirs
Samantala, upang kayo ay mabigyan ng kaukulang assistance at paglilinaw hinggil sa concern na inyong naiparating, kung inyong nanaisin ay maaaring tumawag o makipag-ugnayan ng direkta sa supervisor o sa branch head ng naturang opisina, narito po ang contact details:
URDANETA BRANCH
Branch Head: Narciso M. Martinez Jr.
Address: 3/F Government Center, CB Mall, Mc Arthur
Hiway, Nancayasan, Urdaneta City, Pangasinan
Tel. No.: (075) 568-8512 * 696-0331
Best regards,
Chef Saroca/MCAD
Q: Ask q lng po need po ba talga ang sss id ng namatay irrequest p daw po ito s unang hinulugan nya s probinsya pa daw po…thanks po sa sagot..funeral claims po..2weeks po ang inaatay nmin ttawag daw po sila..from q.c po aq..
A: Hi Bhel, Mabuting Araw 🙂 ang SSS Burial/Funeral benefit ⛪😔 ay ipinagkakaloob sa sinumang gumastos sa pagpapalibing ng namatay na miyembro (subject for evaluation based on the existing guidelines).
Para sa karagdagang impormasyon, sundan po lamang ang link na ito: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…
Q: Good afternoon. Ask ko lang, 78 years old na ang mother ko and hirap na syang lumakad. Need pa ba nyang pumunta sa SSS para sa ACOP retirement benefit po sya?
A: Sakaling ang miyembro ay tumatanggap ng retirement pension at sa kasalukuyan ay nasa Pilipinas, ang inyong ina ay HINDI na kailangan pang magsadya sa aming tanggapan upang magsumite ng ACOP.
Best regards,
Chef Saroca/ MCAD