SSS PRN FAQs

 

Q: Pno mkkuha un PRN.., kung magbbyad nsa bank.. Ppunta pba ng SSS pra mkuha ang PRN na yan..

A: Hi Chua Eduardo:) Mabuting Araw! Para sa inyong kapakinabangan maaari pong sundan ang larawan sa ibaba.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Paano po yung asawa ko ofw po cya.ako po ang naghuhulog pr s kanya…ako po b ang kukuha ng prn..

A: Hi Guia Velasco:) Mabuting Araw! Para sa inyong kapakinabangan maaari pong sundan ang larawan sa ibaba.

Sakaling kayo po ay kasalukuyang nasa ibang bansa, para sa inyong SSS concerns maaari po na mag email sa aming OFW Program Management Dept. sa ofw.relations@sss.gov.ph Ipaalam lamang po ang detalye ng inyong concern , kumpletong pangalan ng miyembro at 10-digit SSS number. Maglakip po ng valid IDs as reference.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q:  pwede na po magbayad ng contribution sa M Lhuillier or cebuana through Pinoy Express Hatid Padala services gamit ang PRN?

A: Hi G-an Carlo Lopez Andan 🙂 Mabuting Araw! Sa kasalukuyan po ay ito ang mga SSS collection partners na tumatalima na sa implementasyon ng RTPC

BANK PARTNERS

  • Asia United Bank
  • Bank of Commerce
  • Bank of the Philippine Islands
  • Philippine Business Bank
  • PNB Savings Bank
  • Security Bank Corp.
  • Unionbank of the Philippines
  • Wealth Development, Inc.

NON-BANK PARTNERS

  • CIS Bayad Center
  • G-Xchange, Inc.
  • I-Remit, Inc.
  • Pinoy Express Hatid Padala Services
  • Sky Freight Forwarders, Inc.
  • Ventaja International, Inc.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: paano po kumuha nang PRN..nka locked prin po account ko sa sss..dahil sa maraming attemptna pag log in..pru matagal na yun..hanggang ngayon wla pa nag reply sa email sa concern ko po

A: Hi Eduardo Bobis:) Mabuting Araw! kami po ay humihingi ng paumanhin hinggil dito. Samantala, maaari po na ipaalam sa amin kung saan nagpadala ng komunikasyon at ang ginamit na email address as basis for our follow-up.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Kung sa Bayad Center magbabayad ng contribution kailangan pa ba ng PRN

A: Hi Rose Del Mar Arceta 🙂 Mabuting Araw! Sa kasalukuyan po ay ipinatutupad na ang implementasyon ng PRN kaugnay sa RTPC.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Hi po every payment po ba need me PRN? THANKS

A: Hi Analisa :)Mabuting Araw! Kinakailangan po ngh PRN sa bawat pagbabayad ayon sa itinalagang mode of payment.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Yung id ko sa sss may prn yun, yun ba yung gamitin para mag byad

A: Hi Joel Macadugnan 🙂 Mabuting Araw! Ang nakatala po sa inyong UMID card ay ang CRN. Sa oras na maupdate ang system para sa UMID card ito ang siyang gagamitin sa apat na sanggay na kasapi dito (Philhealth, Pag-ibig,SSS,GSIS). Para sa inyong kapakinabangan maaari pong sundan ang larawan sa ibaba.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: ako nagbayad nko ng gamit ay PRN bkit d parim n popost 3weeks na

A: Hi Sicat Marcelo 🙂 Mabuting Araw! Sakaling hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa po natatala ng inyong naging pagbabayad maaari po na sumangguni sa malapit na SSS office sa inyong lugar. Dalhin ang proof of payment as reference.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Hnd po ba pde mgpay tru gcash?

A: Hi Marline :)Mabuting Araw! Kabilang po ang G-cah o G0Xchange, Inc sa maaaring tumanggap ng pagbabayad gamit ang PRN.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q:  Pati po pagbyad ng loan may prn din?

A: Hi Caleb Gabrielle:) Mabuting Araw! Sa kasalukuyan po ay hindi nangangailangan ng paggamit ng PRN para sa pagbabayad ng salary loan.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Morning po maam@ sir hindi ba pwede mag bayad f wala ko PRN#?

A: Hi Ardzil, Mabuting Araw 🙂 sakaling kayo ay magbabayad ng inyong contributions bilang voluntary paying member, kinakailangan po ninyo na mag presinta ng PRN.  Upang kayo po ay mabigyan namin ng kaukulang assistance hinggil sa inyong PRN concern, kunginyong nanaisin ay maaari po kayong tumawag sa Member Electronic Service Department at 9206401 loc 5971, 5966, 6449, 6447, 5240 o 5968. Maaari din po kayong mag-email sa PRNHelpLine@sss.gov.ph o sa onlineserviceassistance@sss.gov.ph

Best regards,

Chef Saroca/ MCAD

Q: morning po sir\ madam……mag asked lng po aq kc,,,about dun sa PRN,,,sv po kc sa aqn,,mag tetext daw po ang SSS para maka rcv aq ng PRN,,,,bkit po hanggang ngayon wala p rin pomg txt ang SSS???? ano nanyare????

A:  Hi Cruz, Mabuting Araw 🙂 upang kayo po ay mabigyan namin ng kaukulang assistance hinggil sa inyong PRN concern, kung inyong nanaisin ay maaari po kayong tumawag sa Member Electronic Service Department at 9206401 loc 5971, 5966, 6449, 6447, 5240 o 5968. Maaari din po kayong mag-email sa PRNHelpLine@sss.gov.ph o sa onlineserviceassistance@sss.gov.ph

Best regards,

Chef Saroca/ MCAD

Q: Pwede ba mgbayad ng contributions sa bayad center ng walang PRN?

A: Hi Sir/Ma’am Goo Chan Mi 🙂 Mabuting Araw 🙂 For covered employer/individually-paying member, sa kasalukuyan, kinakailangan po nilang makapag-secure ng Payment Reference Number (PRN) na siyang kakailanganin sa pagbabayad ng SSS contributions. For further reference, kindly see the image below.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: Saan kukuha ng PRN

A: Hi Ma’am Mary Jane Dionisio 🙂 nPara sa individual members, ang Payment Reference Number (PRN) ay maaaring matanggap sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Mag-register sa SSS website under ng My.SSS
  • Ipadadala sa member’s registered mobile number at/o sa personal email address
  • Mag-email sa PRNHelpline@sss.gov.ph
  • Tumawag sa Call Center Hotlines na 920-6446 to 55 o 917-7777
  • Magsadya sa e-Centers ng aming SSS branches

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q:  Philippine Social Security System Kpag ba magpi-print ako ng SOA with my PRN which I will present kpag nagbayad ako ng SSS contributions. Ilang copies ang ibibigay ko sa SSS? Kasi kpag ung regular na Payment Form dalawa kasi iyon dba? Ung copy ng SSS and then ung Payor’s copy

A:  Hi Mackenzie, Mabuting Araw 🙂 maari po kayong mag dala ng atleast 2 copies ng inyong SOA with PRN.