SSS Disability Benefit FAQs

Video: SSS Disability Benefit

Source: The videos and FAQs are from the Philippine Social Security System’s Official Facebook Page.

Q: Pag nagfile po ng disability gaano katagal ang pagprocess.ako po so Eden Solinap.

A: Hi Ma’am Eden Solinap 🙂 Mabuting Araw 🙂

Ang processing time ng SSS Disability Benefit ay 10 to 45 working days (excluding Saturdays, Sundays and Holidays). Subalit, maaari po itong tumagal depende sa ebalwasyon/beripikasyon ng isinumiteng mga dokumento, subject to its existing guidelines.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD

Q: gud morning po…pwede po bang magtanong about sa disability ng nanay ko,,,nagfile po sya ng disability noong 2014 diabetis po at sakit sa puso ang file nya,ngayon po nagdadialysis po sya pwede pa po bang magfile ulit ng disability ang nanay ko?60 years old na po sya at 5years lang po ang naihulog nya sa contribution..salamat po

A:  Hi Mary Jocel, Mabuting Araw! 🙂 Nais po namin ipaaalam na ang pagkakasakit o pagkabalda ay sinusuri ng aming mga medical officer Mayroon silang authority pagdating sa pag-assess sa antas ng kapansanan ng miyembro at ang kanilang kabayaran alinsunod sa guidelines na nagsisilbing mga patnubay para sa lahat ng mga sangay ng SSS.

Ang pagsusuri ay batay sa laboratory findings, medical records at physical examination o interview na isinagawa sa miyembro.

Ang miyembro o kanyang authorized representative ay maaaring bumisita / makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanyang lugar kasama ang kanyang medical records para sa kaukulang assistance at pagsusuri. Magdala ng valid IDs para sa mga layunin ng pagkakakilanlan.

Subject for evaluation based on existing guidelines.

Best regards,

LielPayuyao-MCAD

Q: Paano po pag ntapos yung 2 yrs. na partial disabilty pension, pero hindi pa mgaling yung claimant,pwde pa po bang mg claim ulit?

A: Hi Eufracia, Mabuting Araw 🙂 sakaling nais mag-apply muli ng disability benefit, maaari po ninyong subukang magsumite ng inyong claim applicaiton sa aming tanggapan na malapit po sa inyong lugar. Ang inyong aplikasyon ay kailangang i-evaluate ng aming medical specialist upang ma determine kung kayo ay kwalipikadong muli sa naturang benepisyo.

Best regards,

Chef Saroca/ MCAD

Q: To SSS, Tanung kolang po magkano po ang binibigay na monthly for partial dissability pension? kindly reply po. Thanks po

A:  HI Dict, Mabuting Araw 🙂 ang halaga ng partial disability ay ibinabatay po sa contributions na nasa record ng miyembro at ibinabatay din po sa ebalwasyon ng aming medical specialist kung hanggang kailan at ilang buwan maipagkakaloob ang naturang benepisyo.

Gayunpaman, kayo po ba ay nag-apply ng diability benefit sa aming opisina?

Q: Usapang sss ay bakit walang sagot sa tanong ko na bakit mas mataas ang disability pension ko kaysa retirement eh parehas namang contribution ang basehan?

A: Hi Maximo, Mabuting Araw 🙂 ang disability benefit ay may karagdagang supplemental allowance.

Best regards,

Chef saroca/ MCAD

Q: 500 lang un ang laki ng difference ung disability ko 5k and 900 ung retirement ko ngaun 3k 800 lang

A: Hi Maximo, upang maberipika namin ang inyong SSS record at matunghayan ang inyong claim record, maaari po kayong mag-email sa member_relations@sss.gov.ph banggitin lamang po ang inyong complete name, SSS number, date of birth, employment record at ang details ng inyong conCern.

Q: Tanung lng po ako last.nov.nagfile akodissibility.btpo gang ngsyon dikopo. Pa nkukuha.

A: Hi, Jose, Upang kayo po ay mabigyan ng kaukulang assistance at pa sa status verificaiton ng inyong claim, kung inyong nanaisin ay maaari po kayong tumawag ng direkta sa supervisor o sa branch head ng naturang opisina, narito po ang contact details:

BINONDO BRANCH

Address: 232 G/F, Padilla Bldg., Juan Luna St., Binondo, Manila

Tel. Nos.: 245-3187 * 244-0651 * 243-8990

Fax. No.: 243-2464

Q:  Inq ko po isa po akong Diabetic Retinophaty. Pwede po b akong maging permanent dissability ako.

A: Hi Sugar, Mabuting Araw 🙂 para sa evaluation ng inyong aplikasyon, maari po munang 📩 mag-email sa aming Medical Team 💉 at violabp@sss.gov.ph. Banggitin po ang inyong kompletong pangalan, SS number, Birthdate at ang inyong concern/query. I-attach po ang screenshots ng inyong SSS ID o ng 2 valid and unexpired IDs (with photo and signature), at ang medical records/abstract as our reference. Ilagay po lamang sa inyong subject field “THRU FACEBOOK” upang ito po ay aming masundan.

Fore more information: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…

Best regards,

Chef Saroca/MCAD👦

Q: It’s been a month, yung partial disability direct ko pinasa sa cubao until now wla pa. Ang hirap magconnect sa landline, laging busy kundi naman bgla na lang madisconnect sa line.

AHi Ann Gb 🙂Mabuting Araw! Sa kasalukuyan po ang processing ng disability claim ay 10-45 working days sakaling walang karagdagang hakbangin o dokumneto ang kinakailangan.

Para sa beripikasyon, maaari din po na magrehistro bilang miyembro sa ilalim ng my.SSS link sa SSS website at www.sss.gov.ph.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Good day po ask po sana ako kung my sss claim po ba tulad ko na nadisgrasya ako sa motor tapus maputol po ang isang daliri sa paa ko my sss disability binifet po ba ako pwd ma claim???

A: Hi Dondon, Mabuting Araw 🙂 para po sa inyong kapakinabangan ay narito po ang kompletong impormasyon for Disability Benefit.

https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…

Best regards,

Chef Saroca/ MCAD

Q: Hello, ask ko lang. Yung mother ko kasi is naaksidente 1 1/2 yrs ago, pwede pa din po ba siyang magfile for disability claim? If yes po, what is the first step? Should we go to SSS for filing po ba? Yung doctor po kasi nya is nasa Nepal na. So, I’m afraid na hindi na kame makakakuha ng updated medical certificate from him. Ang meron lang kame is yung mya papers na galing sa hospital like discharge, abstract, etc. Thank you. 🙂

A: Hi Eileen Arevalo, Mabuting Araw! 🙂 Nais po namin ipaaalam na ang pagkakasakit o pagkabalda ay sinusuri ng aming mga medical officer. Mayroon silang authority pagdating sa pag-assess sa antas ng kapansanan ng miyembro at ang kanilang kabayaran alinsunod sa guidelines na nagsisilbing mga patnubay para sa lahat ng mga sangay ng SSS.

Ang pagsusuri ay batay sa laboratory findings, medical records at physical examination o interview na isinagawa sa miyembro.

Ang miyembro ay maaaring bumisita / makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanyang lugar kasama ang iyong medical records para sa kaukulang assistance at pagsusuri. Magdala ng valid IDs para sa mga layunin ng pagkakakilanlan.

Subject for evaluation based on existing guidelines.

Q: Good morning SSS.ako po ay nkapghulog lang ng 36 months n hulog.pero matagal n po un,ang last po ay 1975 p..pwede po b akong mag avail ng disability?sa puso po sakit ko..salamat po….

A:  Hi Remedios, Mabuting Araw 🙂 para sa evaluation ng inyong aplikasyon, maari po munang 📩 mag-email sa aming Medical Team 💉 at violabp@sss.gov.ph. Banggitin po ang inyong kompletong pangalan, SS number, Birthdate at ang inyong concern/query. I-attach po ang screenshots ng inyong SSS ID o ng 2 valid and unexpired IDs (with photo and signature), at ang medical records/abstract as our reference. Ilagay po lamang sa inyong subject field “THRU FACEBOOK” upang ito po ay aming masundan.

Fore more information: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent…

Best regards,

Chef Saroca/MCAD👦

Q: paano nakakuha ng disability benefit ng 7 K plus e jeepney driver ang trabaho at bata pa sya?

A: Hi Jun 🙂 Mabuting Araw! Ang Disability Benefit ay ipinagkakaloob sa isang miyembro na permanently disabled, either partially or totally base sa evaluation ng naging karamdaman o pagkabalda.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q: Philippine Social Security System pwede po ba i update ung beneficiaries kung nagpepension na ng disability?..

A: Hi Vicky Constantino, sakaling natapos na ang partial disability na naipagkaloob sa miymebro, maari po niyang subukang muli na mag-apply o mag-avail ng naturang benepisyo. Makipag-ugnayan lamang sa aming opisina na malapit sa inyong lugar upang ma-evaluate ang inyong aplikasyon ng aming Medical Specialist.

Best regards,

Chef Saroca/ MCAD 

Q: Tanong lang po kung nka total disability po tpos senior n kailangan p po mag report kd taon thanks po😊😊

A: Hi Ma Filipina Murao Musni 🙂 Mabuting Araw! Kinakailangan po ng compliance para sa ACOP ng Total Disability pensioner.Maaaring sundan ang larawan sa ibaba.

Best regards,

Flor Mercado/MCAD

Q:  Hello saan po pwede makuha ang Voucher ng Disability, nawithdraw ko na yung payment last June 20, 2018 pero til.now hindi pa rin dumating yung voucher ang sabi po ng SSS Calamba iapapadala daw nila.

A:  Hi Sir/Ma’am Suarez AJ 🙂 Mabuting Araw 🙂 Sa pagkakataon po na ma-aprubahan ang claim sa disability ay makakatanggap po kayo ng Notice kaugnay dito. Ito po ay ipinadadala thru mail. Samantala, para sa beripikasyon ng record, maaari pong subukang tumawag anumang oras (24 hrs) sa aming Call Center Hotlines na 920-6446 to 55 at 1-800-10-2255777 Toll-Free anumang oras mula Lunes hanggang Biyernes. O, maaari po na sumangguni sa malapit na SSS office.

Best Regards,

Jho Macaranas / MCAD